24 Oras: (Part 2) Patidongan, hinamon sina retired Judge Felix Reyes at Atong Ang sa lie detector test; Habagat, patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong weekend; SC, humihingi ng paliwanag sa Kamara at Senado hinggil sa timeline ng pag-usad ng impeachment, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Matapos sabihin ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy na si PCSO Chairman Felix Reyes
00:36ang tigaayos umano ng mga kaso ni Charlie Atong Ang, hinamon siya ng retiradong huwes na patunayan na akusasyon
00:43at kung hindi ay manahimik na lamang siya ang tugon dito ni Patidongan, isa ring hamon.
00:49Hindi namang galing din sa bibig ko na siya ang tumutulong, galing din kay Mr. Atong Ang.
00:56Kamunin ko kayo, dalawa kayo ni Mr. Atong Ang, magpalay-detektor tayo.
01:02Yun lang, yun lang masasabi ko sa kanila. Kung sino talaga sa amin ang nagsasalita ng totoo.
01:09Git ni Patidongan, may ebidensya siya laban kay Reyes pero hindi niya inilahad kung ano ito.
01:15Isa si Patidongan sa anim na akusado sa kaso ng missing sa Bungero.
01:19Kwento niya ang retiradong huwes umano ang naglakad ng kanilang kaso.
01:24Si Judge Felix na yan, siya na mismo ang naglakad. Mga judge, kinakausap niya na yan.
01:31Kaya lahat alam ko, dahil sa bibig rin ni Mr. Atong Ang nanggaling yan.
01:38Ngayon kaya kong patunayan, basta po, gugulatin ko sila.
01:42Wala rin daw ideya si Patidongan na aplikante pala para sa susunod na ombudsman ang retired judge.
01:49Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Naang at Sherman Reyes ukol sa mga bagong pahayag ni Alias Totoy.
01:57Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
02:02Sakaling mapatunayang buto nga ng tao, isa sa ilalim sa DNA testing ang mga nakuhang buto sa Taal Lake.
02:09Ikukumpara yan sa DNA samples ng mga kaanak ng nawawalang mga sabongero.
02:13Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
02:18Ilang sako na ng mga buto ang naiahon mula sa Taal Lake sa bahagi ng Laurel, Batangas,
02:26sa gitna na isinasagawang search and retrieval operation para sa mga mising sabongeros.
02:31Pero mga butong ito, hindi pa malinaw ngayon kung buto ba ng tao o hindi.
02:36Kaya kailangan pa sumailalim sa forensics examination.
02:40Ayon sa Department of Justice, kung lalabas sa eksaminasyon na buto ng tao ang nakuha sa Taal Lake,
02:46ikukumpara ang DNA nito sa mga DNA sample na sinimulan ng kunin mula sa mga kaanak ng mising sabongeros.
02:54This will be subjected to a DNA test.
02:57The DNA matching is actually underway.
02:59Kung baga, ang gagawin po natin, kukuna natin ng DNA samples sa mga kamag-anak ng mga nawawala
03:07at imamatch hoon natin yan sa mga DNA na makikita natin sa mga mahanap natin kung sakali.
03:15Kung hindi naman daw magmatch ang DNA, iimbestigahan pa rin kung panibagong kaso na ito ng pagpatay.
03:22Sabi rin ang DOJ, kukonsultahin nila ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun.
03:27Nakipag-ugnayan na rin ang GMA Integrated News kay Fortun at pinadalaan larawan ng unang naiahon ng mga buto.
03:35Base raw sa mga litrato, mahirap daw maglabas ng konklusyon.
03:38Kung mapapatunayang sa tao daw ang buto, sabi ni Fortun.
03:59Isipin mo ka agad, hindi yan adult na siniksik sa sako kasi hindi kaya.
04:07So ano yan, disarticulated, dismembered remains, skeletal remains na ba or parts na siniksik mo sa sako.
04:18Between burning and burak, I would prefer burak kasi mahuhugasan yung buto nga yan.
04:28Kasi kung burning yan, medyo lumalabo ang DNA testing.
04:34Sabi rin ni Fortun, handa siyang tumulong sa mga otoridad.
04:37May panawagan siya sa mga team na nagsasagawa ng retrieval operations.
04:42Sana raw ay maging maingat sila sa pagbubukas na mga pinaglagyan sa mga buto.
04:47Pilatag mo yung body bag sa ground, tapos kailangan mabuksan yung sako, sige, hiwa ka ng konti, silipin mo, pero nasa loob ng body bag.
04:56I wonder if there was even a doctor there on site or someone in charge.
05:02Sabi ng DOJ, bukod kay Julie Dondon Patigonan, meron pa silang impormante na nagtuturo kung saan maghahanap ang Philippine Coast Guard.
05:10There are other locals that have given similar information.
05:15Dahil lumuto nga po itong si whistleblower, biglang nagsilabasan din dun sa local area.
05:23Merong minark ang Philippine Coast Guard na dalawang site kung saan may nakapkapan na mga sako.
05:31Pinagtutulungan daw ng PNP, CIDG at NBI ang investigasyon.
05:36May prosecutor din sa lugar para sa mabilis at maingat na investigasyon.
05:41Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Oras.
05:4622 days to go bago ang highly anticipated GMA Gala this year at almost ready ang grand event at meron na tayong preview sa details including the menu.
06:00Patika po sa stars ready to serve looks at may hint sa kanilang magiging attire.
06:06Makichika kay Nelson Canlas.
06:07August 2 is not just another Saturday.
06:15On that day, all eyes are on one event kung saan magsasama-sama ang pinakamaninming sa industriya ng showbiz.
06:24The GMA Gala 2025.
06:26Ngayon pa lang, getting ready na ang mga namamahala nito.
06:29Kabilang na si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gosson-Valdez at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
06:40Ako I'm excited personally to see how our stars will level up what they're wearing, their styling.
06:49So I'm very excited to see that.
06:50And every Gala, I see them just mingling, enjoying each other's company and sana ito talagang maging opportunity again for them to just be themselves and enjoy, enjoy friendship, enjoy the feeling of family.
07:12At less than one month to D-Day, tiniyak ng mga nasa likod nito ang isang hindi malilimutang event.
07:19Since we are celebrating, I mean GMA is celebrating their 75th anniversary this year.
07:25Yes, diamond anniversary.
07:27So it's going to be bigger and I would say more unique and syempre mas bongga.
07:35All preps na rin sa three-course meal na isa-serve sa Grande Bend ang mga ingredients flown in pa from abroad.
07:42The guests can expect first freshness, first class produce like the beautiful shrimps from Vietnam, the tenderloin from the US, the flour from Indonesia for our soup.
07:58It's all about glamour, it's all about quality, it's all about GMA.
08:05At syempre, expect nothing but glam sa gaganaping red carpet sa Grande Bend.
08:12Sa mga tinanong naming stars,
08:14Yes, may gown na po.
08:16May theme ulit siya and yun lang po.
08:18May theme kasi every time I do agala may kwento yung ginagawa ko, may kwento yung gown.
08:26Clare na akong vision na sana, ang maganda kasi yung gusto kong gown.
08:31Simple lang sa amin, suit and tie lang naman eh.
08:33So mahalaga lang sa amin, mag-sharpen yung dating namin, magiging dapper talaga pagdating sa gala.
08:40Ang ex-PBB housemate na si Michael Sager, excited ng makasama ang kanyang housemates sa bahay ni Kuyan na dadalo rin sa GMA gala.
08:49At para sa natatanging gabing yun,
08:51We'll go classic again but lagyan natin ng konting twist para special.
08:55Si Shubi Etrata naman.
08:57Gusto ko, class, may iba din tayong atake ba?
09:00Ganon.
09:01Kaya pakitaan ko sila na pwede tayong mag-high fast yung ano.
09:04Nelson Canlas, updated sa Shubi's Happenings.
09:11Mga kapuso, magiging maulan kaya ngayong weekend.
09:14Alamin natin kay GMA Integrated News Weather Presenter, Amor La Rosa.
09:19Amor!
09:21Salamat, Emil.
09:22Mga kapuso, paghandaan pa rin po ang mga pagulan, lalo't magtutuloy-tuloy ang epekto ng habagat sa bansa ngayong weekend.
09:29Kung kagabing tatlo pa po ang low pressure area na minomonitor natin, ngayon isa na lamang po yan.
09:34Ang natitirang low pressure area, yun pa rin pong dating bagyong bising na nandyan pa rin sa bahagi po ng China.
09:40Inaasahang hihina rin naman yan at malulusaw ayon po sa pag-asa.
09:44Yung isa pang LPA, nandito po yan sa may bandang itaas ng PAR kagabi, nag-dissipate o yan po ay nawala na.
09:51Habang yung LPA naman, dito po sa may silangan ng Extreme Northern Luzon, lumakas at isa na po yan ganap na bagyo.
09:57Huli itong namataan ng pag-asa, 1,920 kilometers silangan po yan ng silangan east-northeast po ng Extreme Northern Luzon at yan po ay kumikilos.
10:08Inaasahan po natin pakaluran sa ngayon pero sabi po ng pag-asa, mababa naman yung chance na pumasok pa yan dito po sa ating PAR
10:15dahil posible po na magbago yung direksyon patungo po yan dito sa may south of Japan sa mga susunod na araw.
10:22Ngayon pa man mga kapuso, mararamdaman pa rin po yung epekto ng hanging habagat o yung southwest monsoon
10:28dito pa rin sa malaking bahagi po ng ating bansa, kaya asahan pa rin ang mga pag-ulana.
10:34Base po sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi may mga kalat-kalat na ulan pa rin dito po yan sa Luzon
10:39pero mas maraming mga pag-ulan, concentrated po yan dito sa may Mimaropa at pati na rin sa malaking bahagi po ng Bicol Region.
10:47Posida rin ulanin ang ilang bahagi po ng Visayas at ganun din ng Mindanao.
10:51Bukas ng umaga, may mga pag-ulan po dito sa may Palawan, pati na rin po dito sa western sections ng Visayas
10:58at ganun din sa malaking bahagi po ng Mindanao.
11:01Meron po tayo nakikita na nagkukulay orange and red sa may Zamboanga Peninsula.
11:04Ibig sabihin po yan, yan po ay heavy to intense rains.
11:08Sa hapo naman, mas malaking bahagi na po ng Luzon ang uulanin.
11:11Inaasahan po natin, may mga malalakas sa pag-ulan sa ilang probinsya po dito sa may Northern at pati na rin sa Central Luzon.
11:18Posida rin po yung maranasan dito sa Visayas, lalong-lalong na sa western at central portions.
11:24Ganun din sa halos buong Mindanao.
11:27Dobliingat pa rin sa posibilidad na mga pagbaha o paghuna lupa dahil marami po ang makakaranas ng matitinding buhos ng ulan.
11:35Bahagi ang mababawasan po ang mga pag-ulan sa linggo po yan ang umaga.
11:38Halos wala po mga kulay sa mapa.
11:40Pero pagdating po ng hapon, may chance po ulit na mga pag-ulan sa halos buong Luzon po yan
11:46at malaking bahagi pa rin ng Visayas at ng Mindanao.
11:50Dito naman sa Metro Manila, may chance rin pong magka-thunderstorm sa ilang lungsod ngayong gabi po o kaya naman mamayang madaling araw.
11:58Pusibling maulit po yan pagsapit ng weekend, lalong-lalo na po bandang hapon o kaya naman sa gabi.
12:04Kaya magdala po ng payong kung may lakad.
12:06Samantala, ayon po sa pag-asa, may panibagong LPA na posibli pong mabuo dito sa Pacific Ocean.
12:12Posibli po yan pumasok dito sa PAR at habang lumalapit po yan, ay may chance po na maging bagyo.
12:20Patuloy po natin yung tututukan sa mga susunod na araw.
12:24Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
12:26Ako po si Amorla Rosa.
12:27Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
12:32Ilang influencer at content creator ang tinukoy ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center o CICC
12:40na nag-eendorso ng illegal online gambling sites.
12:45Apela ng CICC, kusa na nilang tanggalin ang kanilang mga posts bago sila aksyonan.
12:52Nakatutok si JP Soriano.
12:53Kung pa na-scroll ka sa social media, malamang lumabas na sa feed nyo ang ilang kilalang social media influencers
13:04na nanghihikayat o nagpopromote ng online gambling platforms.
13:07Pero sabi ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center o CICC,
13:13may natukoy daw ng mga influencer na illegal online gambling sites ang iniendorso.
13:20Several influencers and content creators promoting illegal gambling content have also been identified.
13:25Gaya ho nung sila sabi ni Ronald, may nakabutak pa kami nagla-live.
13:28Kaya mensahe sa kanila ng CICC.
13:31Itanggalin nyo na ho, i-takedown nyo, mag-usap kayong i-takedown yung mga content na pinutap nyo
13:37with regards to promoting these illegal online activities.
13:41So, up to today, nakikiusap pa rin ako sa inyo.
13:45Starting next week ho, CICC will take action.
13:50Sabi ng CICC, handa silang kasuhan ang mga influencers na ito
13:54kung mapapatunayang nilabag nila ang batas sa pangihikayat na tumaya sa iligal na online sugalan.
14:02Sa lunes, kapag di raw tinanggal ng mga influencers at social media personalities ang mga contents nila,
14:09sasadyain na raw nila ang mga ito para iabot ang formal na abiso sa kanila.
14:13Hindi pa pinangalanan ng CICC ang mga social media influencers
14:17at hindi pa rin nila binanggit kung may mga artista rin kabilang dito.
14:22Sa ngayon, nakipag-ugnayan na raw ang CICC kay PNP Chief General Nicolás Torre
14:28at nanawagan na rin sa BIR upang CDPIN ang kinikita at kung nagbabayad ba ng buwis ang mga naturang influencers.
14:37Ang utos ng CICC ay kasunod ng direktiba ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor
14:43na nag-uutos naman ng agarang pagbaklas sa mga billboards at iba pang uri ng patalastas
14:49na nagpo-promote ng online gambling.
14:52Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
15:06Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Kamara at Senado, Kaugnay,
15:09ng prosesong pinagdaanan ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
15:14Kabilang sa mga gustong linawin ng Korte ang tila pagkaantala sa pag-transmit ng naunang tatlong impeachment complaint sa House Speaker.
15:22Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
15:24Ang gustong malaman ng Korte Suprema sa utos nito sa Kamara at Senado,
15:32ano na raw ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
15:38Gusto rin malaman ng kataas-taasang hukuman ang eksaktong petsya kung kailan inendorso ng mga miyembro ng Kamara ang mga impeachment complaint
15:47at kung ilang session days ang lumipas bago na-transmit ang mga ito sa Speaker of the House.
15:53Sa dokumentong nakalap ng GMA Integrated News Research, makikitang December 2, 2024 ang naka-stamp na petsya nang inendorso ang unang impeachment complaint.
16:05December 4, 2024 naman ang second complaint at December 19 naman ang ikatlong complaint.
16:12Pero hindi na gumalaw ang mga ito matapos niyan.
16:15Hanggang sa umarangkada sa plenaryo ang fourth complaint noong February 5, 2025 kung kailan din na impeach si VP Sara.
16:24Is there any objection? The chair hears none. The motion is approved.
16:30Ang unang tatlong reklamo, ipinagutos namang i-archive na.
16:34Hinihingi rin ng Korte Suprema ang tugon ng Kamara kung may kapagyarihan ba ang Secretary General ng Kamara
16:40na magdesisyon kung kailan itatransmit sa Speaker ang impeachment complaints
16:45at kung may otoridad ang Secretary General na tumangging i-transmit ang mga ito.
16:51Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na natanggap nila ang notice mula sa Korte Suprema kahapon
16:58at nabasa na ito ng ilang House impeachment prosecutor.
17:02Ayon sa tagabagsalita ng Kamara, isinangguni na nila ito sa Office of the Solicitor General
17:08at sisiguruhin may susumitin nila ang tugon sa loob ng panahong itinakda ng Korte Suprema.
17:15Nang tanungin si Velasco kung bakit hindi niya agad rin ang Smith ang unang tatlong impeachment complaints,
17:21sagot niya,
17:21Hindi kasi nga nagpahintay yung mga ibang congressman na huwag mo nang i-refer kay Speaker
17:31kasi nga meron pa silang complaint na mas maraming mag-i-endorse.
17:36They requested me na maghintay lang for another complaint
17:41which will be endorsed by the required one-third, one-fifth House members.
17:48Ayon sa Secretary General ng Kamara,
17:51walang nilabag na rules of impeachment ang kanyang tanggapan at ang Kamara.
17:56Kasi nga, under our rules kasi eh.
17:59Yung impeachment complaint will stay with the office of the section
18:03and they will be referred at the time na okay na.
18:08Wala naman kasi timeline din yung from the section to the speaker eh.
18:14Pero sir, nakalagay kasi doon immediately after nyo ma-verify.
18:17Kaya immediately, pero wala naman time yun.
18:20Parang yung support with yan, di ba?
18:23Support with, wala rin timeline dun eh.
18:25Trial shall proceed, port with, wala rin timeline.
18:29So it's up to the interpretation of the official concern.
18:34Pero bukod sa mga ito, nais ding malaman ng Korte Suprema
18:39kung sino ang nagbalangkas ng Articles of Impeachment na Trinan Smith sa Senado
18:44kung naipakalat muna ito sa mga kongresista
18:47at kung nabigyan sila ng panahon para basahin ng mga charges at ebidensya
18:52bago nila ito susugan.
18:54Ang utos ng Korte Suprema ay tugon sa inihahing petisyon
18:58ng Kampo ni Vice President Sara Duterte
19:00na kumekusyon sa ika-apat na impeachment complaint.
19:04Ayon sa isang kongresistang pumirma sa Articles of Impeachment
19:08kabisada na maraming kongresista ang Articles of Impeachment
19:11dahil galing yun sa mga pagdinig na kanilang isinagawa.
19:16Nabigyan din anya sila ng sapat na panahon para pag-aralan ng reklamo.
19:21Alam ko inilalaman ng impeachment
19:22because we were the ones that actually investigated that.
19:26Sa akin, sapat naman yung time na ginawa eh.
19:29Sa akin, napag-aralan mabuti naman ng prosecutor's team
19:35ang nialaman ng impeachment case na yan.
19:38And the fourth impeachment complaint, binigay naman sa bawat congressman yan.
19:44The copy.
19:45Ayon naman sa tagapagsalita ng Senate Impeachment Court,
19:49ihahanda na raw ng Senado ang tugon nito
19:51bagamat karamihan anya na mga hinihinging impormasyon ng Korte Suprema
19:56ay konektado sa procedure sa Kamara.
19:59Kinumpirma rin ang Office of the Vice President
20:02na nakatanggap sila ng kopya ng notice mula sa Korte Suprema.
20:07Para sa GMA Integrated News,
20:09Tina Panganiban Perez,
20:11Nakatuto, 24 oras.
20:13Hindi hadlang ang kahirapan sa matatayog na pangarap
20:21ng mga kabataang aming nakilala sa Capis at Negros Occidental.
20:27Kulang man sa gamit na naanatili silang persigido sa pag-aaral.
20:32Kaya bilang suporta, hinatiran sila ng school supplies
20:36ng GMA Kapuso Foundation.
20:38Sa dagat, halos kumiikot ang buhay ng maraming taga-Capis.
20:47Hindi na yan katakataka dahil ang Capis
20:50tinaguri ang seafood capital ng bansa.
20:54Tuwing papalaot na ang mga ngizdang si Lilin,
20:57pinalalakas siya ng hangaring mabigyan
21:00ng magandang kinabukasan ang mga anak.
21:03Kahit ilan, mahirap.
21:04Basta makatapos lang sila ng pag-aaral.
21:08Diploma rin sa kolehyo ang pangarap
21:10ng ilang kabataang nahihilig sa sports
21:14sa barangay Roberto S. Benedicto naman
21:16ng La Carlota, Negros Occidental.
21:20Ilan sa kanila nagkampiyon pa sa tenis
21:23sa palarong pambansa.
21:25Ang pag-asa ng walong taong bulang na si Xander,
21:29makakuha siya ng sports scholarship sa college.
21:33Makakatulong na niya ito sa pamilya,
21:36lalo sa amang nagtatrabaho sa sugar mill.
21:39Nagagamit talaga nila ito sa kanilang pag-aaral
21:43kasi libre ang pag-aaral nila.
21:45Ngayon, may mga apat na player ako nandyan sa college sa Bakulot
21:49pre-twision.
21:52Suportado ng GMI Kapuso Foundation
21:54ng bawat pangarap ng mga kabataan.
21:58Kaya sa pagpapatuloy ng ating unang hakbang
22:00sa kinabukasan project,
22:039,200 na Kinder at Grade 1 students
22:07sa Capis, Negros Occidental at Negros Oriental
22:11ang nahatira natin ng kumpletong gamit pang eskwela.
22:14Ang nagsisimbing inspirasyon sa mga bata,
22:18magastos ng mga magulang para sa supplies.
22:21Pwede nang magastos sa ibang pangangailangan.
22:24Karamihan sa mga magulang ay financially hard up
22:29kasi off-season na yun ang milling.
22:33Malaki talaga ang naitulong.
22:35At sa mga nais makiisa sa aming mga projects,
22:37maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account
22:41o magpadala sa Simwana Luulier.
22:43Pwede ring online via Gika, Shopee, Lazada at Globe Rewards.