00:00Pero bago yan na, meron tayong 47th Annual Scientific Meeting o ASM
00:05na inorganisa ng National Academy of Science and Technology Philippines
00:09kasama ang DOST.
00:12Isinagawa ang kanilang development goals,
00:15mas klarong framework at ang kanilang binuong four pillars.
00:19Para sa iba pang impormasyon, panoorin po natin ito.
00:24Sa kagustuhan na makamit ng Department of Science and Technology o DOST,
00:30ang kanilang Sustainable Development Goals o SDGs.
00:33Dahil dito ay mas pinasimple nila ang framework ng kanilang mga programa at serbisyo
00:39na tinatawag nilang four pillars.
00:41Ang mga ito ay ang human well-being, wealth creation, wealth protection, at sustainability.
00:49Kaugnay rin ito ang layuni ng katatapos lamang na 47th Annual Scientific Meeting o ASM
00:55na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Maynila.
00:58Ito ay inorganisa ng National Academy of Science and Technology Philippines katulong ang DOST.
01:05At ang tema ngayong taon ay Bioscience Innovations Transforming Enterprise Ecosystems for Wealth Creation.
01:13Ang gusto natin, yung mga innovations ng Bioscience ay magamit ng mga communities,
01:20empower communities for them to be able to generate income, makakatulong sa kanila.
01:25Anong maitutulong ng agham sa maraming komunidad dito sa Pilipinas para mapaangat ang kanilang buhay?
01:31Kasabay ng isinagawang plenary sessions dito,
01:34ay nagkaroon din ng scientific poster session at exhibit kung saan nasa 294 posters ang napiling makasali dito.
01:42At ang pinaka-inaabangan sa two-day event na ito ay ang NAST Philippines Awards
01:47kung saan binigyan ng pagkilala ang Best Scientific Poster,
01:51Outstanding Scientific Paper
01:57at Outstanding Young Scientist Award.
02:07Yung mga ibang awards, yun ang mga organizations or head ng organizations, head ng institutions ang nag-nonominate.
02:15So yun, dinideliberate at pinag-uusapan. May mga kriteriya kasing basihan para ikaw ay maging awarded
02:23at saka tinitingnan ang iyong credentials talaga, yung work, the totality of your work.
02:29Hangad ng annual scientific meeting na ito na ang agham ay maging isang malaking hakbang
02:34patungo sa pag-angat ng science communication sa Pilipinas.
02:39At higit sa lahat ay ang mabigyan ng pagkilala ang ambag ng mga scientifico
02:43sa pag-unlad ng ating bansa at ng ating mundo.