00:00Halos 30,000 piso halaga ng frozen meat products ang natangay mula sa isang online meat dealer.
00:06Ang suspect, ang mismo delivery driver, na binook niya para kumuha ng mga produkto sa supplier.
00:12Mayun ang balita si James Agustin.
00:16Hindi lubos sa kalain ng isang online meat dealer na mabibiktima siya ng driver na binook niya para ipick up
00:21ang mga inorder niyang frozen meat products.
00:24Kwento ng biktima na bayaran na niya sa kanyang supplier
00:26ang 27,000 pesos na halaga ng frozen meat products.
00:30Kukunin na lang dapat ito ng delivery driver sa isang warehouse sa Bulacan para dalhin sa Kaloocan.
00:51Kinabahan na raw ang biktima hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa driver.
00:55Sabi niya, hindi siya makaalis kasi wala daw siyang pang gas.
01:01Sabi niya, natirikan daw siya.
01:03Sabi ko, magkano ba ang aking DF at babayaran ko na para makaalis ka lang kasi kailangan ko yung items.
01:11Sinabi niya, bayaran mo na muna sir, 350.
01:14Tapos binayaran ko siya, gd cash ko.
01:17Mas lalo raw siya nagduda.
01:19Nang ilang beses pa nang hingi ng pera ang driver.
01:22Hanggang sa nadiskubre niya sa booking details na na-deliver na sa isang lugar ang meat products.
01:27Paano nangyari yun na ang tagal dumating ng items ko,
01:32ang tagal kong nag-antay,
01:34yung pala wala naman pala kong inaantay.
01:36Sa pakipagugnayan ng biktima sa kanyang supplier,
01:39natukoy ang pagkakilanlan ng lalaking delivery driver na kumuha ng meat products
01:43dahil sa ipinakita niyang ID.
01:45Nakita rin sa CCTV ang pagdating ng kotse sa warehouse.
01:49Bumaba pa ang delivery driver para kunin ang meat products.
01:52Nai-report na ng biktima sa polisya at barangay ang insidente.
01:55Desidido siyang magsampan ang reklamang estafa laban sa delivery driver.
01:59Ang hirap kumita ng pera, lumalaban kami ng patas.
02:02Sana din yung mga rider na nakukuha namin, lumaban din kayo ng patas.
02:06Mas maganda po, mas kilala na po nila yung pick-up o kaya mag-deliver
02:12para doon po ay mag-iwasan.
02:14Ito ang unang balita. James Agustin para sa JMA Integrated News.
Comments