00:00Uli kamang pagtangay ng isang lalaki sa motorsiklo ng isang delivery rider sa Tondo, Maynila.
00:05May unang palita si Jomar Apresto.
00:10Kita sa CCTV ang pag-alis ng lalaking yan na sakay ng motorsiklo sa Dagupan Street sa Tondo, Maynila, nitong Martes.
00:18Ang lalaki, Motor Napper, ayon sa barangay.
00:22Bago ang insidente, makikita ang biktima na isang delivery rider na ipinarada ang kanyang motor sa tapat ng isang kainan.
00:29Pumasok siya sa isang eskinita.
00:32Ilang saglit lang, dumating ang salarin.
00:35Sa CCTV ng katabing restaurant, makikita ang lalaki na bumalik habang tinatanaw ang motorsiklo.
00:40Tinapatan na niya ang motor ng biktima.
00:43Sinakyan niya ito at mabilis na umalis.
00:46Makalipas sa mahigit dalawang oras, makikita ang biktima na bumalik sa paradahan at napakamot na lang ng ulo.
00:52Ayon sa rider, nakalimutan niyang tanggalin ang susi sa motor bago ito iwan.
00:57Nung kinapakuha kasi yung lagayan ko, wala pa yung susi. Dito kami talaga nagpapalig mga taga rito.
01:03Ang problema, hiniram niya lang ang motorsiklo sa kanyang kapatid para may magamit sa trabaho.
01:08Sana mabalik lang kasi ayon talaga yung pinaganaan. Pinaganaan ang halang buhay namin.
01:13Pare-parehas naman tayong nahihirapan sa buhay. Sana lumaban na lang kayo ng parehas.
01:17Yung pinagparkingan niya po roon, kahit sino po pwede magparking kasi kainan po yung loob.
01:23Nung nalaman namin na ito na yung may-ari, nag-report sa amin.
01:29Ayon sa barangay, naikipag-ugnayan na rin sila sa iba't ibang barangay na posibleng nakakakilala sa salarin,
01:35na i-report na rin sa polisya ang insidente.
01:38Patuloy ang follow-up operation ng otoridad para mahuli ang lalaki na tumangay sa motor ng biktima.
01:43Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments