Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Pinabulaanan ni dating Makati Mayor Abby Binay ang akusasyong midnight settlement ang pagpayag ng kanyang administrasyon na bilhin ng city hall ang Makati Subway System. May pondo rin aniya ang lungsod para rito, taliwas sa pahayag ng ate niya na si ngayo'y Makati Mayor Nancy Binay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinabulaanan ni dating Makati Mayor Abby Binay ang akusasyong Midnight Settlement,
00:07ang pagpayag ng kanyang administrasyon na bilhin ng City Hall ang Makati Subway System.
00:16May pundo rin anya ang lungsod para rito, taliwa sa pahayag ng ate niya na si ngayon yung Makati Mayor Nancy Binay.
00:23Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:25Nakatenggang construction site ang makikita sa De La Rosa Street sa Makati City na magiging lokasyon sana ng isa sa mga estasyon ng Makati Subway.
00:38Nakahinto ang trabaho matapos makansila ang proyekto.
00:42Ilang bahagi kasi ng Subway Project ang dadaan sa mga dating barangay ng Makati na inilipat ng Korte Suprema sa Taguig City.
00:49Sinambahan ang Makati City Hall ng arbitration case ng ka-joint venture nitong Philippine InfraDev Holdings Incorporated para mabawi ang investment nito sa Subway.
01:00Sa settlement agreement, pumayagan dating Makati City Administration na bayaran ng $160 million o halos 9 billion pesos ang InfraDev Consortium.
01:11Pero sabi ng kampo na kasalukuyang mayor na si Nancy Binay, lalabas sila sa kasunduan, lalo't walaan niya ito sa budget ng City Hall.
01:20Kanina, humarap sa media ang kapatid ni Mayor Nancy na si dating Makati Mayor Abby Binay.
01:26Punto niya, makabubuti sa Makati ang kasunduan dahil bukod sa may pondo ang syudad, lalo paraw lalaki ang aset nito.
01:33I left City Hall with almost $33 billion in the bank. Cash po ito ha?
01:44The city has assets worth over $243 billion.
01:50Kaya walang basihan ang sinasabi nila na mauubusan ng pondo ang Makati para sa programa at settlements at operations dahil sa settlement.
02:02Git niya, may bataya ng halagang babayaran na kinuwenta ng isang independent auditing firm.
02:08Hindi ito pinitas lang sa hangin. The amount is based on the assessment of an independent auditing firm.
02:18Kung baga raw, sa ulian ang mangyayari. Ibabalik ang investment ng InfraDev Consortium na $160 million.
02:27At mapapasakamay naman ng LGU, ang Makati City Subway Incorporated, ang corporate entity na nilikha para i-develop at i-operate ang subway.
02:36Kasama ang mga land assets o yung mga pinabiling lupa para daanan ng subway na magiging pag-aari ng Makati City Government.
02:44Lahat ng ito, nagkakalaga raw ng $1.6 billion.
02:48Makati will acquire assets more than 10 times the amount it will pay.
02:55It will also get the detailed engineering design, test results, studies, and all other assets of the subway company
03:04that will allow the new administration to proceed with the subway project.
03:09The truth is that the settlement will make Makati the richest LGU in terms of assets.
03:19Iigsilang aniya ang subway at babawasan ang planong bilang ng istasyon na kailangan para aniya malutasan traffic sa Makati.
03:27Pinabulaanan din niyang akusasyong midnight settlement ang nangyari dahil sumusunod lang umano sila sa proseso ng arbitration center.
03:35Hindi aniya totoo ang paratang ng bagong Makati administration na pinahirapan sila sa pagkuha ng mga dokumento tungkol sa subway.
03:43Aniya na is lang siyang siraan ng kampo ng kanyang kapatid.
03:46Pwede naman ako tawagan ni ate.
03:48I can only think of one thing.
03:50It is really to undermine my legacy.
03:54Yung nine years na itinrabaho ko bilang mayor na maayos yung pagpapatakbo sa Makati.
04:00Pero ang dating mayora na rin ang nagsabing matagal na mula ng huli silang nag-usap ng kanyang kapatid.
04:06Mga 20 years. It's been a while.
04:09Matagal na. Before 20, ano pa. Before 20, 16 pa.
04:13Binay versus binay. Nagkataon lang magkapatid kami.
04:17But this is not, this is a old administration versus the new administration.
04:22Magkikita kami after three years kasi dun natin malalaman.
04:26Sa tanong kung magkakaayos pa kaya silang magkapatid.
04:29All in God's time. It's not something you can rush.
04:34It's not something that can be fixed overnight.
04:37It's not something that will be fixed on its own.
04:42Sinikap naming makuha ang kampo ni Mayor Nancy Binay pero wala pa silang sagot.
04:46Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended