00:00Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Dave Gomez bilang bagong chief ng Presidential Communications Office o PCO.
00:09Si Gomez na ang ikalimang PCO chief sa ilalim ng administrasyon.
00:14Papalitan niya ang dating PCO chief na si Jay Ruiz na magiging membro naman ng Board of Directors ng Manila Economic Cultural Office o MECO sa Taiwan.
00:23May ilang dekadang karanasan sa pamahayag si Gomez na naging senior reporter at director general noon ng Philippine Information Agency.
00:34Itinalaga rin ng palasyo si Atty. Sharon Garin bilang bagong kalihim ng Energy Department.
Comments