00:00Pinakomento ng Korte Suprema ang ilang sangay ng gobyerno sa mga petisyon na nagsasabing labag sa konstitusyon
00:08ang pagpapaliban sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.
00:16Binigyan ang 10-araw ang Office of the President, Senado, Kamara at Comelec
00:21para magsumitin ang komento hinggil sa mga petisyon at kahilingang maglabas ng Temporary Restraining Order.
00:29Inutusan din ang mga petisyoner at respondent na magkomento sa petisyon ng Liga ng mga Barangay
00:36para makialam sa kaso at sa kanilang pagtutol sa iba pang mga petisyon.
00:41Nauna na nang nilagdaan ang Pangulo ang batas para iusog sa November 2026
00:47ang BSKE na isasagawa sana sa Desyembre ngayong taon.
Comments