00:00Tewala ang Department of Agriculture na makakabawi ang farm gate price ng palay sa darating na anihan.
00:06Katunayan, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Chu Laurel Jr. na nakare-recover na ang ilang lugar sa Luzon.
00:13Tinukoy ng kalihim ang farm gate price ng palay sa Nueva Ecija na nasa 14 pesos per kilo na.
00:19Inaasahan din ni Laurel na tataas pa ng konti ang presyo ng palay sa Setiembre, lalo't aabot pa ng Oktubre ang importation ban sa Bigas.
00:27Una na nagbabala ang grupong sinag na posibleng bumaba na lang sa limang piso ang kada kilo ng palay sa Nueva Ecija dahil sa dami namang imported rice sa mga pamilihan.