Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsagawa ng operasyon ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation o SAIC
00:04sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, PITX.
00:08Dahil sa mga reklamo may nangungontratarao ng mga taxi,
00:12may unang balita live si James Agustin.
00:15James!
00:20Igan, good morning. Umabot na sa tatlong taxi driver yung natikitan sa operasyon ng SAIC ngayong umaga
00:25na naaktuhan na naghihintay ng mga pasayero dito sa labas ng PITX.
00:29At sila din naman po ay wala doon sa itinalagang taxi bay.
00:34Inabutan ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation o SAIC
00:38ang mga taxi na nakahinto sa labas ng PITX at naghihintay ng mga pasahero.
00:43Ilang metro po ang layo niyan sa itinalagang taxi bay.
00:45Kinumpis ka ang driver's license ng mga taxi driver.
00:48Inissuan sila ng temporary operator's permit na ang nakasaad ng mga paglabag ay illegal terminal at obstruction.
00:55Ayon kay Reison De La Torre, ang officer in charge ng SAIC Special Operations Group,
01:00nakatanggap sila ng reklamo na may mga taxi na nanungongontrata ng mga pasahero.
01:05Karaniwan daw nangyayari ito sa mga taxi na pumupesto na lang sa labas ng PITX at hindi na pumipila sa taxi bay.
01:12Paliwanag ng isang taxi driver, hindi siya nangungontrata ng mga pasahero at ngayon lang daw siya napunta sa lugar.
01:18Ang isa pang taxi driver, sinabi na hindi naman daw niya alam na bawal magsakay doon sa lugar ng mga pasahero.
01:24Samatala, nagpaalala naman po ang SAIC doon sa mga pasahero na kumaari isumakay doon sa itinalaga na taxi bay
01:30para maiwasan yung mga ganitong insidente, lalo-lalo na yung mga pangungontrakta ng ilang taxi driver.
01:36Yan ang unang balita mula rito sa Paranaque City.
01:38Ako po si James Agustin para sa JEMI Integrated News.
01:41Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa JEMI Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended