00:00Pahigit sa 30 individual ang inilika sa isang barangay sa Davao City matapos ang walang tigil na pagulan.
00:08Yan ang urat ni Jaira Mundes ng PTV Davao.
00:12Sa video na ipinoh sa social media, makikita ang pagtutulungan ng mga rescuer hawak ang lubid
00:19upang maitawid ang isang buntes patungo sa ligtas na lugar sa gitna ng malakas na rumaragasang tubig sa ilog
00:26sa Governor Generoso sa Davao Oriental, araw ng linggo, Hulyo 6.
00:32Ayon sa Municipal Disaster Rest Reduction and Management Office o MDRMO sa Governor Generoso,
00:39Sabado ng gabi pa lang ay naka-alerto na sila kasunod ng naranasang sama ng panahon.
00:45Nakasentro ang kanilang pagbabantay sa flood-prone area sa Barangay Suropa, Tagabebe at Pundagitan sa Governor Generoso.
00:53Nitong linggo ng umaga, nagsagawa ng rescue operation sa Barangay Suropa dahil sa walang tigil na pagulan.
01:00Umabot sa labing limang pamilya o nasa higit at tatlumpong individual ang inilikas.
01:06Inunan na namin yung mga bata, priority yung mga bata at yung matanda.
01:10Tapos yung iba, naiwan na doon sa kanilang bahay para magbantay.
01:15Samantala, isolated naman ang dalawang puroka mula sa Barangay Tagabebe.
01:20Pahirapan ang pagpasok sa lugar dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
01:25Mabuti na lamang at ligtas sa mga residente doon.
01:28Habang sa Barangay Pundagitan, higit isang daang bahay, Barangay Hall, pati na ang simbahan
01:34ang pinasok ng tubig, baha at putik dahil sa walang tigil na pagulan.
01:38Pinauwi naman ang mga inilikas sa mga residente ng masiguro ng mga otoridad
01:53na ligtas na silang makakabalik sa kanilang tahanan.
01:57Walang naitalang nasaktan o nasawi sa nangyaring pagbaha.
02:00Mula rito sa PTV Davao, Zaira Mondez para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.