00:00Narescue ng Marikina Police ang isang sanggol na dinukot sa loob ng isang ospital sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.
00:09Ayon kay Marikina Police Officer in Charge, Police Colonel Jenny Texon,
00:14natuntun sa Pasig City ang kinurukoona ng suspect matapos ang backtracking sa mga kuha ng CCTV.
00:21December 26, umano nangdukutin ang sanggol ng nagpanggap na nurse na nagtanong sa mga nais magpa-newborn screening sa kanilang mga anak.
00:32Nang makuha umano ang sanggol ay agad na nagtungo ang suspect sa Rizal Medical Center sa Pasig City kung saan siya nakipagkita sa kanyang nobyo at nagpanggap na nanganak.
00:44Lumabas sa investigasyon ng mga otoridad na tuliro ang suspect at nagawa ang krimen matapos umano siyang makunan.
00:51Maharap ang suspect at ang kasintahan nito sa kasong kidnapping at failure to return a minor.
00:58Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya sa agarang aksyon ng mga otoridad at masaya umano silang makakapagsalubong ng bagong taon.
01:07At ayun nga po na nawagan po kami sa publiko po, lalong-lalo na po yung mga magulang.
01:12Sana po huwag po nila haagad ipagkatiwala yung kanilang mga anak sa mga taong hindi po nila kilala kahit ito po yung mga staff po ng hospital.
01:21Dapat siguraduhin po nila kung talagang itong mga lumalapit po sa kanila ay siya ay legitimate or legal po na nagtatrabaho sa hospital.
01:28Sa mga hospital naman po ay nakikiusap po tayo sa mga guardia po natin na dapat i-check po nilang mauigi yung mga lumalabas ng mga hospital.
01:36At tignan nila kung ito ay mga clearance sa mga doctors po upang sa gayon ay may iwasan po yung ganitong incident po in the future po.