Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
15 bahay ang nasunog sa Sta. Cruz, Manila. Apat na residente naman ang sugatan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0015 bahay ang nasunog sa Santa Cruz, Maynila.
00:044 residente naman ang sugatan.
00:06At nakatutok si Mark Salazar.
00:12Masikip ang mga daan patungo sa mga malawak na komunidad na ito
00:16sa tambunting sa Santa Cruz, Maynila.
00:19Kaya extra challenge ang mga bombero
00:21ng sumiklabang apoy sa gitna
00:23bago mag-alas 2 ng hapon kanina.
00:26Yung papasok sa loob
00:27dahil kailangan mo po magdugtong ng 10 linya ng host
00:32para po kayo makapunta pa doon sa pinaka-focal point ng ating sunog.
00:37Masikip lang po yung kalsada.
00:39Kung makikita nyo, halos dalawang tao lang ang kasya.
00:42May mga gamit pa po sila.
00:43Mabilis kumalat ang sunog na umabot agad sa third alarm
00:47nang wala pang 30 minutos.
00:49Walang oras ang mga residente para maisalba ang lahat ng gamit.
00:52Kaya ang pinakaunang mabubuhat na mahalaga sa kanila
00:56ang kanilang isinalba.
00:57May kapatid akong na-stroke, natakot po siya, nanginig, na-nervyos.
01:04Yun doon, nanginginig po siya sa bahay.
01:07Nailabas ko lang po siya sa labasan lang.
01:10Hindi po kasi kaya niyang lumakad.
01:12Pagdating ko po dito, yung pamilya ko po andito na po sa labas.
01:16Ako po, nagdali-dali ako pumasok sa loob
01:18tas sinecure ko po yung mga gamit po na masasalba.
01:23Ayun po, tas nakita ko po yung lakas na po ng usok.
01:25Sawa po ng Diyos, hindi naman po kami naabot.
01:29Kaso lang po, yung mga kapitbahay po namin, kawawa naman po.
01:32Labin-limang bahay ang natupok ng sunog.
01:35Ang mga napiktuhan po ng sunog natin ay mga residential area
01:40made of light materials po.
01:43Mayroon po tayong nasa 25 families na affected.
01:48Ang estimated damages po natin ay nasa 150,000 more or less.
01:52Mamaganda po ba yung nananakawa kasi sa nasutunugan?
01:55Kasi po, yung nasutunugan, simutlad po.
01:59Kawawa po yung mga taong nasunugan.
02:02Yung hirap ng buhay.
02:04Idineklarang fire out ang sunog bago mag-alas 3 ng hapon.
02:08Pero hindi pa agad malalaman ang dahilan ng sunog.
02:11Ayun po ang kasalukayan na investigahan ng ating Arson Investigator sa ngayon.
02:16Nangangala pa po sila ng mga informasyon
02:18para matukoy po natin kung ano pa talaga ang pinagsimula ng apoy.
02:22Walang nasawi sa insidente pero apat na residente ang bahagyang nasugatan.
02:27Para sa GMA Integrated News,
02:29Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended