00:00Nasa 500 badminton players mula sa iba't ibang bahagi ng bansa
00:03ang nakatakdang magpamalas ng galing
00:06sa 2025 Philippine Badminton Open ngayong July 7 hanggang July 12
00:11sa Rizal Memorial Coliseum.
00:15Ayon kay Philippine Badminton Association Secretary General Carla Lizardo Sulik,
00:19ito na ang pinakamalaki nilang programa ngayong taon
00:22para sa prize pool na 1 million pesos.
00:25Inaasahan din na maglalaro sa patimpalak
00:28ang mga atletang nagnanais na maging parte ng national team
00:31dahil maituturing na Badminton World Federation o BWF Tour Super 1000 event
00:37ang national open.
00:39Matatandaang nabulsa ni Nagyelo Albo at Mika de Guzman
00:42ang kampyonato sa men's and women's singles noong nakaraang edisyon.