00:00Mga kapuso, pumanaw sa edad na 78 ang showbiz columnist, talent manager at host na si Lolit Solis.
00:09Kinumpirma ng kanyang anak na si Sneezy sa GMA News Online ngayong umaga na nagka-heart attack ang kanyang nanay at pumanaw sa ospital kahapon.
00:19Sa kanyang pinakahuling Instagram post kahapon, nagpasalamat si Manay Lolit sa mga doktor na nag-alaga sa kanya.
00:25Kaya nagpaabot na rin ang mensahe ng pakikiramay ang mga kilalang kaibigan ni Manay Lolit sa showbiz na si Salve Asis at Gorgie Rula.
00:33Bukod sa pagiging columnista naging host si Manay Lolit ng entertainment program na StarTalk, nakikiramay po ang balitang hali sa mga naiwan ni Manay Lolit.
Comments