00:00Ang kalsada, shared space na mga motorista at pedestrian, kaya shared responsibility rin ang pagsunod sa batas trapiko para hindi
00:08makaabala at walang madisgrasya.
00:11Lalo na po sa pedestrian lanes na dapat ay ligtas na espasyo para sa mga tumatawid.
00:16Live mula sa Marikina, may unang balita, EJ Gomez. EJ?
00:24Susanne, good morning. Maraming nga nga insidente o disgrasya sa pedestrian lane ang naitatala sa bansa na ikinasawi ng ilang
00:32tao.
00:33Kaya may takot at pangamba ang ilang pedestrian na nakausap natin at para iwas disgrasya, may pakiusap sila sa mga
00:41motorista.
00:46Ang pedestrian lane ay para sa mga taong patawid ng kalsada.
00:50Pero para sa ilang pedestrian, gaya ng magkaibigang sina Summer at Kay, parang hindi naman.
00:57Tila motorista raw kasi ang nasusunod sa tuwing tatawid sila.
01:01Naka-stoplight na po siya. Nakahinto na po yung mga sasakyan.
01:05And pagtawid ko po na sa kalagitnaan po ako, meron pong marurot na sasakyan ganun.
01:09Dinahagip po ako ng kaunte.
01:11Lahat naka-stop. Then bigla ko tumawid, paglingat ko, may dumaan.
01:17So para sa akin, di talaga safety yung mga ganong klaseng mga driver.
01:22May ilang sasakyan pa nga na sa mismong pedestrian lane pa nakapark.
01:27Gaya na lang dito sa tawiran na ito sa intersection ng Shoe Avenue at Sumulong Highway sa Marikina.
01:33May ilang rider din na sa pedestrian lane nagsasakay ng pasahero.
01:37At itong jeep na ito, naka-stop o red light pero sa pedestrian lane pa tumigil.
01:44Dito naman sa A. Bonifacio Avenue, pagkadaan ang ilang pedestrian at kahit naka-go signal pa sa pedestrian lane,
01:52dire-diretso lang ang sasakyang ito.
01:54So ano? Pedestria na ba talaga ang mag-a-adjust?
01:59Ang 61-anyos na si Chona lagi raw tumatawid sa tamang tawiran para iwas disgrasya.
02:06Wala kang karapatang mag-reklamo kung ikaw mismo hindi ka sumusunod sa batas.
02:12Sumunod lang tayo, tumawid tayo sa tamang tawiran.
02:15Masana naman sa mga driver, once na naka-stop na, pagbigyan na yung mga taong kailangan tumawid.
02:23Full stop talaga, hindi yung nag-aalangan pa.
02:25Pero may mga pedestrian ding pasaway.
02:29Si ate na may hilang trolley bag mula sa palengke, hindi pa nilubos ang pagtawid sa tamang tawiran.
02:34Si Kuyang Kargador naman sa mismong gitna ng intersection tumawid habang tinutulak ang pushcart na puno ng mga gulay.
02:44Ang pag-iwas sa disgrasya sa kalsada ay shared responsibility ng mga pedestrian at motorista.
02:50Ang mga pedestrian dapat tumawid sa tamang tawiran at ang mga motorista dapat magmaneho ng tama.
03:04Susan, isa pang hiling ng mga pedestrian na nakausap natin ay sana raw,
03:09yung mga tawiran na may mga countdown gaya na lang nitong nasa aking likuran,
03:13may sapat daw na bilang para sa mga tumatawid, para hindi naman daw nagahabol yung mga tao,
03:19lalo na yung mga PWD o yung may mga kapansanan, mga buntis at syempre yung mga bata.
03:25At yan ang unang balita mula po dito sa Marikinas City.
03:29EJ Gomez, GMA News.