Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 8, 2026


- Notice of Disallowance ng COA sa OVP, pinal na; P73.287M confidential funds, ipinasasauli

- PBBM, may working visit sa Singapore mula Oct. 7-11; makikipagpulong kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong

- PhilHealth, nagbabala laban sa mga pekeng text message kaugnay sa pagpapapalit ng PhilHealth ID cards

- Pagpapatayo ng Kaliwa Dam, nahinto dahil sa kakulangan sa pondo; operational date na dapat ay 2027, naurong sa 2030 | MWSS: Maynilad at Manila Water na ang magtutuloy ng pagpapatayo sa Kaliwa Dam | DEPDev: Kaliwa Dam Project, nasa kategorya na ng Risk Level 2-Critical o humaharap sa mga matinding problema at pagkaantala ng implementasyon | COA: Isang dahilan ng pagkaantala sa pagpapatayo ng Kaliwa Dam ang pagtutol ng LGU Infanta at Provincial Government ng Quezon


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:20Thank you very much.
00:32Pinal na ang desisyon ng Commission on Audit na dapat ibalik ng Office of the Vice President
00:36ang mahigit 73 milyon pesos na confidential funds ito noong 2022.
00:41Ayon sa COA, affirmed with finality o hindi na pwede i-appela ang kanilang Notice of Disallowance sa OVP.
00:48Ibig sabihin po niyan, kailangan isauli ng opisina ang pondo na hindi umanog ginastos ng tama.
00:54Sa kanilang desisyon, muli giniitang COA na bigo ang OVP na isumite ang mga kailangang dokumento
00:59para patunayan nagkaroon nga ng Information Gathering at Surveillance na pinagkagasusan ng mahigit 69 milyon pesos.
01:07Ang 3.5 milyon pesos naman ay pinambili ng mga mesa, upuan at iba pang gamit.
01:12Hindi raw nakasaan na ginamit pala sa confidential operations.
01:16Sa halip na magsumitin ang proyemang tagumpay ang Information Gathering at Surveillance,
01:22ang isinumitiraw ng OVP ay listahan ng mga aktibidan ng opisina mula December 13 hanggang 31, 2022.
01:31Bigo rin daw ang OVP na ipaliwanag kung bakit indinaan sa regular procurement
01:35ang pagbili ng mga gamit na nagkakahalaga ng 3.5 milyon pesos
01:39kumpara pala ito sa Surveillance at Confidential Operations.
01:43Nakasaan din sa desisyon na may pananagutan si Vice President Sara Duterte,
01:48Head of the Agency, na nag-apruba ng mga transaksyon.
01:52Ngayon din si dating OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta na naglabas ang pondo
01:57at si OVP Chief Accountant Julieta Villa del Rey na nag-certify na tama at kumpleto ang mga transaksyon.
02:05Sabi ng OVP, hindi pa nito natatanggap ang desisyon ng COA
02:09pero naasahan na rao nila ito at handa silang sumagot sa naayong legal na hakbar.
02:17Pumalis kagabi si Pangulong Bongbong Marcos para sa limang araw na working visit sa Singapore.
02:23Sina Executive Secretary Ralph Recto, Justice Secretary Frederick Vida
02:27at Agrarian Reform Secretary Condrado Estrella III
02:30ang itinalagang caretakers habang wala ang Pangulo.
02:33Ay sa Pangulo, inibitahan siya ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong
02:37para pag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
02:41Makikipagkita rin daw ang Pangulo sa ilang business leader at investor.
02:45Nataon ang working visit ng Pangulo sa Formula One Singapore Grand Prix.
02:50Ay sa Malacanang, hindi pa kumpirmado kung manonood ng Pangulo.
02:53Sa kalimang manood, wala raw gagastusin ng Pangulo
02:56dahil inibitahan daw siya ng Singapore Prime Minister.
02:59Ang working visit ng Pangulo sa Singapore ay pagpapatuloy raw
03:03ng kanyang mga layunin na nasimulan sa unan niyang pagbisita roon noong Hulyo.
03:09This visit builds on the momentum of my working visit to Singapore last July
03:13when we engaged investors in digital infrastructure, artificial intelligence,
03:19healthcare and other priority sectors.
03:21This time, our economic engagement will have a broader global focus.
03:28Nagbabala ang PhilHealth laban sa mga text message
03:31kaugnay sa pagpapalit ng PhilHealth ID cards.
03:34Ay sa PhilHealth, peke po yan.
03:37Wala raw proseso ng ID replacement na ginagawa sa pamanggitan ng text o online link.
03:42Maging mapanuri sa text messages na red flag.
03:45Gaya ng may sinisingil, umihingi ng personal na detalye o naguutos na mag-click ng link.
03:55Sakto sana sa pagtama na epekto ng Super El Niño
03:58ang target na pagbubukas ng Kaliwa Dam sa 2027
04:01pero naurong po yan sa 2030 dahil daw sa kakulangan ng pondo.
04:07May unang balita si Maki Pulido.
04:13Sa kabila ng mga protesta ng mga katutubong Pilipino,
04:17natuloy ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project
04:19sa kabundukan ng Rizal at Quezon noong 2023.
04:24Kaliwa Dam Project ang sinasabing sagot sa kakulangan ng malinis na tubig sa Metro Manila
04:29dahil hindi na sapat ang tubig mula sa Angat Dam.
04:32600 million liters per day ang kapasidad nito
04:35at kayang maghatid ng 2,400 million liters per day
04:40sa mga water treatment facilities sa Rizal.
04:42Huling bahagi ng 2026 target natapos ang construction
04:46ng 12.2 billion peso dam
04:49at dapat sana'y operational na sa unang bahagi ng 2027.
04:54Tamang-tama sana dahil ito ang panahon na tatamaan tayo ng Super El Niño
04:59kaya't makakaranas ang malaking bahagi ng bansa
05:02kabilang ang Metro Manila ng matinding tagtuyot.
05:06Pero sa halip na 2027 operational date,
05:092030 na ang bagong target dahil sa ngayon,
05:13sabi ng MWSS o Metropolitan Water Works and Sewerage System,
05:17nakahinto ang proyekto dahil sa kawalan ng pondo.
05:21Nagkaproblema raw kasi ang loan agreement sa China Exim Bank
05:24kaya nahinto ang pagpupondo para sa Kaliwa Dam Project.
05:28Nagkaroon po ng problema po sa loan po natin sa China
05:31so hindi na po in-extend po ng ating po pausap po
05:35from the China Exim Bank yung ating po loan
05:37kaya po nagkaroon po tayo ng mutual termination po dito po sa ating po kontrata.
05:42Nabanggit din yan sa report ng Commission on Audit.
05:45Nagkulang daw sa pondo dahil hindi na isumite ng MWSS sa tamang pecha
05:50ang request for extension nang mawalan na ng visa ang loan agreement noong May 1, 2025.
05:56Dahil daw sa oversight na ito, umabot sa mahigit 7 billion pesos
06:01na civil works ang hindi mapondohan.
06:03Kaya hindi na bayaran ang nasa 400 million pesos na bill ng kontraktor.
06:09Hinihingan namin ang reaksyon ng MWSS tungkol dito.
06:12Sabi ng MWSS, mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water na
06:17ang magtutuloy ng proyekto.
06:19Hinihingi pa namin ang pahayag ng Maynilad at Manila Water
06:22maging ng Malacanang kaugnay nito.
06:25Yung ating pag-finance po ng itong proyekto na ito,
06:27it will be shared equally by Maynilad and Manila Water.
06:30Supportive naman po sila na sila na po yung mag-finance po nitong proyekto.
06:34Napuna na ng COA ang pagkaantala ng proyekto noong nakaraang taon.
06:38Sa report nito, as of December 31, 2025,
06:41sa halip daw na 54.62% completed na ang proyekto,
06:46nasa 26.25% pa lang.
06:49Nasa kategorya ng araw ito na at risk level 2 critical
06:53ng Department of Economy, Planning and Development
06:56o humaharap sa mga matinding problema at pagkaantala ang implementasyon.
07:01Dagdag ng COA, isang dahilan ng pagkaantala ang pagtutol ng LGU ng Infanta
07:06at Provincial Government ng Quezon kaya't hindi makagalaw ang mga heavy equipment.
07:11Nantala rin daw ang pagdokumento sa pagpayag ng mga katutubo
07:15na mapaalis sila mula sa kanilang lupain.
07:18Ito ang unang balita, Maki Pulido, GMA News.

Recommended