00:00Naiyak pero hindi natinag ang 76 na taong gulang na ina ng isa sa mga nawawalang sabongero.
00:08Lalabanan niya anya si Atong Ang matapos itong pangalanan ni alias Totoy bilang isa sa mga mastermind sa kaso.
00:16Pinanood niya ang revelasyon kanina dito po sa 24 Horas at kasabay na tumutok si Mark Salazar na kasama natin live.
00:24Katabi ako nung panuurin na Vicky ng ina ni John Lasko yung isa sa mga missing sabongero.
00:36Kung paano pinangalanan ni alias Totoy si Charlie Atong Ang bilang mastermind ng pagkawala ng mga sabongero.
00:42At alam mo sabi ni Mrs. Carmelita Lasko, matagal na raw nilang alam sa kanilang pamilya na si Ang ang mastermind
00:50pero takot daw sila na sila ang maunang magpangalan sa kanya.
00:55Ang panawagan nila kay alias Totoy huwag siyang magrerikant, huwag siyang aatras sa kanyang mga sinabi
01:02at naway lumabas pa ang ibang mga testigo.
01:05Narito ang parte ng pahayag ni Mrs. Maria Carmelita Lasko.
01:09Magdusa din sila.
01:13Magdusa sila sa kulungan.
01:18Maranasan nila kung gano'ng kahirap.
01:22Yan eh kulong pa lang.
01:23How much more pinatay nila yung anak ko.
01:27Laban ako.
01:28Kailangan lumaban ako.
01:29Hindi naman ikinagulat Vicky ng pamilya naman ni Edgar Malacca ang naging revelasyon ni alias Totoy
01:40pero sila daw parang pinaparusahan habang pinapanood nila ang revelasyon ni alias Totoy.
01:46Narito naman ang kanilang pahayag.
01:49Kung nagkasalamang sana yung mga sabungero, dapat dinaan nyo sa batas.
01:56Pinakulong nyo nalang sana.
01:59Dinaan nyo sa proseso.
02:01Hindi eh.
02:01Masama ang loob namin kung gano'n ang ginawa mo.
02:04Pero yung pagkidnap, pagkitil sa mga buhay ng 34 na sabungero,
02:11sobra-sobra yung ginawa mong parusa sa amin lahat.
02:18Nasaan ang konsensya mo?
02:20Wala ka bang ina?
02:21Wala ka bang anak?
02:23Wala ka bang kapatid at mga asawa?
02:26Vicky, sabi ng mga pamilya ng mga mising sabungero,
02:36bagamat itong development na ito ay sumariwa ng sugat sa kanila,
02:41kaya nakita nyo kung paano sila lumuluha sa bagong turn of events na ito.
02:46Ito daw pagpangalan ni alias Totoy,
02:50kay Charlie Atong Ang ay PC daw na mas mahaba pa na panghahawakan nila
02:55na may pupuntahan ng investigasyon sa kasong ito.
02:58Vicky?
02:59Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
Comments