Skip to playerSkip to main content
Kung gaano kahirap ang papunta sa isang liblib na sitio sa Tboli, South Cotabato, ganoon din daw ang pabalik. Sa gitna ng dilim, dahil sa walang humpay na pag-ulan at maputik na daan, tumumba ang motorsiklong sinasakyan ni Kara David at ng isang miyembro ng Team Horror.


Panoorin ang ‘Embalsamador de Motor,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.


FULL EPISODE: https://youtu.be/Kgy2jXe77jc

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Gaano man kalayo ang lugar.
00:08Ano mang hirap ang kanilang sinapit.
00:14Wala silang hinihintay na kapalit.
00:24Ang mahalaga, mabigyang respeto ang patay.
00:29Sa huling sandali nito sa mundo.
00:33Kahit nabayaran mo yan, mam, hindi talaga mabayaran ang pira yan.
00:36Pagod pa lang. Alam mo naman, napakalayo dito.
00:40Kahit isang tawag ko lang yan, mam, pagtawag ko saan niya,
00:43ito, kailangan kita ng akit yan.
00:46Kahit nababagyo yan, walang pinapasawa niyan.
00:49Or ay nagsenta lang ang servisyon niya.
00:53Kung negosyo, sigurong inaisip niyan, mam.
00:56Tagal na sigurong mayaman.
00:59Pero?
01:00Pero yung pagtulong niya, hindi naman nakabasis
01:03kung ilang libo ang bibigay sa'yo kapalit sa servisyon mo.
01:09Minsan nga, wala eh.
01:12Doon naman sa commitment talaga.
01:13Proud ako sa'yo sa commitment.
01:18Ito ang dahilan kung bakit naisip ni Mark na sumunod sa yapak ng ama.
01:26Alam niyang mas malaki ang kikitain niya sa ibang trabaho,
01:29pero ika nga nila, walang iwanan sa biyaheng ito.
01:34Darating kasi ang panahon, ma'am, si Papa ay tumatanda na.
01:41So, kailangan talaga na may susunod na dapat hindi lang ako.
01:47Yung mga taong gusto rin matuto, willing na matuto at tumulong,
01:54eh, isama na lang namin sa grupo namin.
01:56Pasado ala seis na ng hapon nang makaalis kami sa barangay Tudok.
02:07Pero kung gaano kahirap ang daan papunta,
02:11doble ang hirap pauwi.
02:19Wala akong nakikita!
02:21Dilip, putik.
02:27At ulan ang aming kalaban.
02:35Delikado kapag...
02:37kapag minuto rito madulas, kaya naglakad na lang ako.
02:41Ingat, ingat!
02:43Bumaba ka na, Jeff!
02:45Delikado dito!
02:50Sa gitna ng biyahe,
02:53aksidente kaming natumba.
02:57Okay lang ako!
02:59Okay lang ako!
03:00Hindi ka na ano?
03:01Itugatan ka?
03:02Hindi, hindi!
03:03Tumama lang ito!
03:04Saan, saan, saan?
03:05Dito lang, okay lang, okay lang.
03:06Saan, Nora?
03:07Oo, okay lang ako.
03:08Hindi kaya.
03:09Bumaba na ako ulit.
03:11Ayoko na i-risk.
03:12Maglakad na lang ako.
03:13Alas otso na ng gabi nang makauwi kami.
03:21Ligtas ang lahat.
03:23Pwede nang magpahinga.
03:25Dahil bukas, makikipagsapalaran muli sila sa buhay at kamatayan.
03:30Pangarap sana yung mga daan namin dito.
03:36Pag umuulan, sira kagad.
03:39Yung sana kung makita nila yung mga nandito sa gobyerno.
03:45Sana kahit may liit na highway lang doon sa mga kabundukan.
03:50Kasi kaawa-awa naman, ma'am, ang mga tao sa bundok.
03:54Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso.
04:00Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
04:03I-comment nyo na yan.
04:04Tapos, mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended