00:00Pinaigting ng Philippine Coast Guard ng kanilang seaborne patrol sa karagatan ng Batanes
00:05matapos matagpuan ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 166 million pesos
00:12sa barangay Caixa Narayanan sa bayan ng Basco.
00:17Itong inihayag ni PCG spokesperson Captain Noemi Kayab-yab
00:21sa programang Mike Abelive.
00:22Ayon kay Captain Kayab-yab, patuloy ang koordinasyon ng PCG
00:26sa iba't ibang lokal na ahensya ng pamahalaan kaugnay ng insidente.
00:32Kasabay nito, pinalalakas din nila ang pagpapatupad ng Eye Care Program
00:36o Intensified Community Assistance Awareness, Response and Enforcement sa mga komunidad
00:42upang mas mapaigting ang kampanya kontra iligal na droga.
00:46Tiliyak din ang PCG ang kanilang suporta sa mga maingisdang
00:50voluntaryong tumutulong sa kanilang operasyon laban sa illegal drug trade sa karagatan.
00:56Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
01:00mas pinatindi ng PCG at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA
01:05ang kampanya laban sa iligal na droga sa karagatan ng bansa.
01:09Ito po ang mga previous turnover po ng ating mga illegal drugs
01:15ay na-recognize po ito ng Philippine Coast Guard, same with the local government units.
01:19So nagpapasalamat po talaga kami sa suporta na ibinibigay po ng ating mga fishermen
01:24pagating po sa pag-surrender ng mga itong illegal na droga sa Philippine Coast Guard.