00:00Itinalaga ni Manila Mayor Francisco Isco Moreno Domagoso si dating National Team Athlete Dale Evangelista
00:07bilang bagong chairman ng Manila Sports Council o Masco.
00:12Bilang dating water polo athlete at barangay chairman sa tondo,
00:15ipinagkatiwala sa kanya ang kapangyarihan na palakasin ang grassroots program ng lunsod
00:21kung saan target ng alkalde na makilala mga bagong talento mula sa Manila
00:25na maaaring makapasok sa National Team sa hinaharap.
00:29Si Evangelista ay nagkamit ng tatlong silver medals noong 2005, 2007 at 2009 edition
00:36ng Southeast Asian Games at isang bronze medal naman noong 2003 sa Vietnam.
00:42Plano ni Evangelista na buuhin ang mas malakas na team Manila
00:46para sa magaganap na batang Pinoy ngayong taon sa General Santos City
00:50kung saan nakatakda silang maglunsad ng mga tryout para sa pagpili ng mga atleta.
00:55Kasama sa mga inaasahang programa ng Masco ang posibleng pagbubuhay sa Manila Youth Games
01:01pagbabalik ng Manila Marathon at pagdaos ng mga esports tournament.