00:00Mula sa Level 3 o Voluntary Repatriation,
00:02ibinaba ng Department of Foreign Affairs sa Level 2
00:04o Restriction Phase ang sitwasyon sa Israel.
00:08Ayon sa DFA, bumubuti na ang sitwasyon ng siguridad sa Israel
00:11kasunod ng ceasefire nito sa Iran na i-dineklara noong June 24.
00:16Mahigpit pa rin daw na babantayan ang DFA ang tensyon sa Middle East.
00:20Ngayong Alert Level 2 sa Israel, sinabi ng ating embaha da roon
00:23na pwede nang bumalik ang mga OFW na may Valid Overseas Employment Certificate
00:27at Re-Entry Visa.
00:28Bawal pa rin po ang deployment ng mga bagong OFW
00:32at pagbisita ng mga turista o pilgrims sa Israel.
00:36Wala pang anunsyo ang DFA kung ibababa na rin sa Alert Level 2
00:39ang sitwasyon sa Iran mula sa kasalukuyang Alert Level 3.
Comments