Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umani ng iba't ibang opinion sa mga magulang ang isinusulong ng Department of Education
00:04na pagpapatupad ng trimestral system sa mga pampublikong paaralan sa susunod na pasukan.
00:11Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:15Simula pa lang ang fourth quarter sa paaralan ng grade 6 student na si Crystaline.
00:20Pero sa dami ng ginagawa niya sa academics at extracurricular activities,
00:24ngayon pa lang, kinakapos na raw siya sa pahinga.
00:27Medyo na stress din po kasi po, fourth quarter po medyo lang ano, minsan minsan lang po merong pahinga.
00:35Tsaka po ano, pinagsasabay po yung mga sport namin tsaka mga activities po sa isang araw.
00:40Kaya po pagod na pagod po kami.
00:43Kaya kung si Crystaline ang tatanungin,
00:45okay sa kanya ang plano ng DepEd na magpatupad ng trimestral system sa mga pampublikong paaralan
00:51simula sa susunod na school year.
00:52Sa plano ng DepEd, wala raw mababago sa petsa ng pasok sa mga paaralan.
00:58201 school days pa rin mula Hunyo hanggang Marso.
01:02Hahatiin lang ito sa tatlong bahagi base sa panukalan ng DepEd.
01:05Kasi napansin namin, parang ang daming ginagawa sa short period of time
01:09and walang oras parang nagko-compete yung mga activities nila.
01:14So dun sa trimester, meron tayong oras para sa lahat mga activities nila.
01:17And meaning, there's an opening time. Each trimester will be about 50 to 61 days.
01:24Wala raw babaguhin sa curriculum at subjects.
01:26Pero babawasan daw ang mga aktibidad na umaagaw sa aktual na pagtuturo ng leksyon
01:31na ayon sa pinakahuling EDCOM review ay tulad ng pagdalo sa National Schools Press Conference,
01:37Palarong Pambansa at National Festival of Talents.
01:40Tapos iiwasan na natin yung masyadong magpaparticipate sa mga...
01:44During that time, dapat ang focus talaga is academic.
01:47Overburden yung teachers, there's too many activities, there's too many missed days,
01:51too many overlapping activities during the school year.
01:54Sabi ng DepEd na konsulta na nila ang iba't ibang stakeholder tungkol dito.
01:59Approve din sa plano ng DepEd ang ilang magulang na nakausap namin.
02:02Siyempre pabor kami, magulang.
02:04Kung hindi nyo, iiwas sa pagod.
02:08Siyempre pagod, fourth quarter na kasi.
02:12Matutukan talaga ng mga guro yung mga bata.
02:15At kung mababawasan man po yung mga ibang gawain ng bata,
02:20kagaya ng mga ibang extracurricular activities, more on academics sila ngayon.
02:25May pangamba naman ang ilan sa planong bawasan ang activities ng mga bata na labas sa academics.
02:31May mga aral din daw kasi na hindi na ituturo sa loob ng classroom.
02:35May mga talents po sila na hindi na ituturo sa academics.
02:38So, iyon din po yung cons noon kung mabawasan nila.
02:41Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended