00:00Dumipensa ang ilang opisyal ng Leyte sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi tourist spot ang San Juanico Bridge.
00:08Yan ang ulat ni Noel Talacay live. Noel?
00:14Audrey, nandito ako ngayon sa Tacloban City.
00:17Pero kanina, pinuntahan ko ang Palau Leyte dahil doon ginanapang isang press conference ng Leyte Provincial Government para pag-usapan ang kanilang turismo dito.
00:27At naging sentro nga sa usapan ang San Juanico Bridge.
00:34Kinontra ng gobernador ng Leyte na si Carlos Jericho Icutpitilla,
00:39ang statement ni Vice President Sara Duterte na hindi tourist spot ang San Juanico Bridge.
00:45Sa isang press conference kaninang hapon sa Palau Leyte, kaugnay sa pag-promote ng mga tourist destination ng Leyte,
00:52ayon kay Gobernador Icutpitilla, maaring walang may gusto ngayon sa San Juanico Bridge dahil hindi makakababa at makakapagpapicture.
01:02Pero paraani ito sa siguridad at kaligtasan ng mga tao dahil danger zone area ito sa ngayon.
01:09Ang ilang opisyal ng lalawigan ay nagpahayag ng pagkadismaya at nasaktan sa nasabing statement ng Vice Presidente.
01:16Giit pa ni Gobernador Pitilla na walang epekto sa turismo sa lalawigan ng Leyte ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge.
01:25Matatandaan ipinatupad noong May 15 ang paglilimita sa mga sasakyan na dumadaan sa nasabing tulay,
01:32kung saan hanggang tatlong tonelada lamang pwedeng dumaan muna sa San Juanico Bridge.
01:37It is a tourist destination. Kung meron mang 100 kilometers na bridge sa China, pumunta ka ng China.
01:48Okay, pero dito sa Pilipinas, okay, San Juanico Bridge ang pupuntahan mo, hindi China.
01:54Mayroong nagpost sa Facebook na yung San Juanico, hindi yan tourist spot.
02:01It is just only a 2.6 kilometers bridge compared to China na mayroon more than 100 kilometers bridge.
02:10So, that touches my heart.
02:16Audrey, sa buwan ng June ay maraming mga activity ang ginagawa ang Provincial of Leyte, kasama na rin ang Tacloban City.
02:24Yung Leyte Provincial government ay nagsasagawa ng Pintanos Festival tuwing June at ayon sa Leyte Provincial Tourism na dinagsa ito.
02:35Ito daw ay isang pangitain na marami pa rin ang nakakapunta dito sa Leyte para saksihan ang mga activity kaugnay sa turismo dito sa Leyte.
02:45At bukas naman, ipagdiriwang din ngayong buwan ang kapistahan ng Tacloban City.
02:51Ito ang kanilang Santo Nino de Tacloban at bukas ng gabi ay magkakaroon ng Parade of Lights.
02:57Audrey?
02:58Okay, advance. Happy fiesta sa mga Tacloban.
03:01Maraming salamat, Noel Talacay.