00:00Nanindigan ng Kamara na hindi itong dahilan ng pagkakaantala ng pag-elitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
00:08Ayon kay House Spokesperson Princess Avante,
00:11kaugnay sa issue ng entry of appearance ng kampo ng Pangalawang Pangulo,
00:15hindi nila ito tinanggihan kundi hindi lang agad tinanggap.
00:19Noong June 16, isang mensahero umano ang nagtangkang magsumite ng dokumento sa gate ng Kamara
00:25ng wala man lang paliwanag at detalye.
00:27Kaya tinais muna nilang maliwanagan ukol dito.
00:31Diin pa ni Avante, wala silang masamang intensyon.
00:34Dagdag pa niya kung ito ay entry of appearance,
00:38sana ay sinabi nilang agad para naproseso ito ng maayos.
00:43Pakiusap pa ng tagapagsalita, sana'y huwag dituhin ang publiko
00:46at huwag gawing dahilan ang isang clerical detail para ipasa ang sisi sa Kamara.
00:53Ang entry of appearance ay hindi requirement para umusad ang impeachment trial.
00:59Wala itong epekto sa takbo ng paglilitis.
01:03At higit sa lahat, hindi ito ang dahilan kung bakit wala pang trial hanggang ngayon.
01:09Ang Kamara ay nakatupad na sa tungkuli nito.
01:13Naipasa na namin ang articles of impeachment sa Senado.
01:17Nasa kapangyarihan na po ng Senado ang susunod na hakbang.
01:21Kung may pagkakaantala, hindi ito galing sa House.