00:00Samantala, panoorin naman natin ang layunin ng selebrasyon na i-promote ang local produce at i-preserve ang ating culinary identity bilang bahagi ng pambansang kultura.
00:10Panoorin po natin ito.
00:16Malapit na ang panahon para pag-usapan muli ang ating kalusugan.
00:21Tunay ngang, health is wealth, kaya bilang isang Pinoy, alamin natin ang mga healthy tips para sa ating kalusugan.
00:31Ugali na natin ang pagluluto.
00:34Sa kahit anumang okasyon, hinding-hindi mawawala ang mga masasarap at masusustansyang pagkain.
00:41Kaya't para mas maalagaan natin ang ating katawan, ito ang mga healthy tips na dapat nating malaman.
00:47Ang paggamit ng mantika ay nakakasama sa ating kalusugan dahil nagbibigay ito ng iba't ibang sakit tulad ng labis na pagtaas ng timbang at sakit sa puso.
01:02Sa paghahanda naman ng mga gulay, mas mainam na isama ang balat dahil nandito ang mga sustansya.
01:10Maaari nating hugasan na lamang ng baking soda at tubig at maaari na itong kainin.
01:17Sa paghahanda ng mga dapat lutuin, piliin natin kung ano ba ang mga sustansya na maaaring makuha natin dito.
01:27Mas nakasisiguro tayo sa ating mga kinakain.
01:32Laging tandaan, hindi sapat na masarap lang.
01:36Dapat ito ay masustansya rin.
01:38Bukod sa ating kinakain, mas makakamit natin ang maayos na kalusugan kung sasamahan natin ito ng proper diet at exercise.
01:49Kaya naman sa nalalapit na Nutrition Month, maging responsable tayo sa ating mga kinakain.
01:57Health is wealth.
01:59Panatiliin ang healthy lifestyle para humaba ang ating buhay.