Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Ipinababasura ng Office of the Prosecutor sa ICC Pre-Trial Chamber ang hiling ni dating Pangulong Duterte na interim release.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinapapabasura ng Office of the Prosecutor sa ICC Pre-Trial Chamber ang hiling ni dating Pangulong Duterte na interim release.
00:07Nakatutok si Marisol Abderoman.
00:12Hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na ibasura ng Korte ang hiling na interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:21Redacted o tinanggal ang ilang bahagi ng tugon na naka-upload sa website ng ICC dahil sensitibong impormasyon ang nilalaman nito.
00:29Sa labinyo ang pahinang tugon, sinabi ng Prosekusyon na naniniwala itong kailangan ang patuloy na detensyon ni Duterte para masigurong dadalo ito sa kanyang paglilitis.
00:39Masigurong hindi niya haharangin o ilagay sa piligro ang investigasyon at ang court proceedings at para mapigilan siyang ipagpatuloy ang paggawa ng krimen na nasa horisdiksyon ng Korte.
00:50Kabilang sa edinitaliang dahilan ang hindi raw pagtanggap ni Duterte sa legitimacy ng legal proceedings laban sa kanya.
00:56Kita raw yan sa mga pahayag ni Duterte at sa mga ikiniwlus ng kanyang mga kaanak, particular ang pagsabi nilang kinidnap si Duterte ng ICC.
01:06Pinukoy pa ang pagpukulang cellphone ng common law wife ni Duterte na si Hanelets Abancenya sa isang miyembre ang arresting team noon sa Pilipinas, dahilan para masugatan ito.
01:15Nananatili rin daw makapangirihan si Duterte, kaya posibing malagay sa piligro ang investigasyon at ang siguridad ng mga testigo at mga biktima.
01:24Kapag pinayagan ng interim release, mas magkakaroon daw siya ng akses sa kanyang mga koneksyon para isagawa ito.
01:30Binanggit dito ang kanyang mga anak, particular si Vice President Sara Duterte na may impluwensya sa gobyerno at mga kaalyado ng kanyang ama.
01:39Binanggit din ang impeachment proceedings laban kay VP Sara at ang aligasyong nagbalak siyang ipapatay si Pangulong Marcos.
01:46Kapo na po na naman binanggit ng prosecution na nagkaroon sila ng usapan ng depensa para sa negosyasyon kung paano mamimitigate ang mga risk kung bibigyan si Duterte ng interim release.
01:57Pero yan daw ay kung si Duterte ay dadalhin sa isang bansang ni Redax ang pangalan na may mahabang history ng pakikipagkooperasyon sa korte
02:04at nakatitiyak na masusunod ang mga kondisyong ilalatag para sa interim release.
02:10Pagdingin ang prosecution, hindi daw ito sa bansang tinutukoy ngayon ng mga abogado ni Duterte.
02:15Hindi rin daw pumayag ang prosecution na hindi nitututulan ang isang petisyon ng depensa, lalo't hindi pa nito naisusumite at hindi pa nila naaaral.
02:25Si Vice President Sara Duterte naman, kinumpirma na isa ang bansang Australia sa kinusidira ng legal team ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang interim release.
02:36Australia is in the list of countries that are considered by the lawyers.
02:40Paglilinaw ng bise, hindi ito ang kanyang pakay sa kanyang pagbisita sa Australia kamakailan.
02:46Gayunman, sinubukan daw niya makipag-ugnayan kay Australian Foreign Minister Penny Wong.
02:50But unfortunately, she is unable to meet me on Monday.
02:55So I will not be visiting Australian government officials for this visit.
03:00But I do hope that I can meet them in my next visit in the future.
03:05Bukod sa Australia, may isa pang bansa na binanggit sa hiling na interim release ng kanyang ama.
03:11Pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol dito.
03:14Unfortunately, sir, I cannot talk about the contents of that petition.
03:22Only the lawyers of President Duterte can talk about the request for interim release
03:28because some portions of that, particularly those items that were redacted and considered as confidential,
03:36can only be between those who have a privilege, lawyer-client privilege.
03:41Balikban sana ang VP ngayong hapon ayon sa kanyang tanggapan.
03:45Matapos ang ilang araw na pagbisita sa Australia,
03:48bukas, nakatakda naman siyang dumalo sa isang pagtitipon sa Pampanga.
03:52Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.

Recommended