Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw matapos arestuhin ang isang retiradong general dahil sa kasong inciting to sedition,
00:07may binigyang diin ang Pangulo sa mga bagong promote na general.
00:11Hanggang sa 2026 National Budget ay makikita umano ang pagpapahalaga ng administrasyon sa mga sundalo.
00:19Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:21Bagong taon, bagong Estrella, ang nasa balikat ang 37 bagong promote na general ng sandatahang lakas.
00:32Paalala ni Pangulong Bongbong Marcos, dagdag responsibilidad yan pero ang misyon, hindi nagbabago.
00:38Mas matala sa pagdedesisyon at mas matatag na literato lalo na sa gitna ng mga umiigting na banta sa seguridad ng bansa.
00:45Binagitin ang Pangulo na makikita sa 2026 National Budget ang commitment ng kanyang administrasyon sa kapakanan ng mga membro ng milita.
00:52With the signing of the 2026 National Budget, I reiterate the government's commitment to uphold the welfare of the women and men who protect our nation.
01:03This includes the updated base space schedule, the increased subsistence allowance of our military and uniform personnel.
01:11Sa 2026 Budget, may mga vinito ang Pangulo na items sa unprogrammed appropriations pero iniwan niya ang para sa AFP modernization.
01:20Matapos pumutok ang skandalo ng katiwalian sa gobyerno, lumutang ang mga usaping destabilisasyon.
01:26Sabi mismo ni AFP Chief General Romeo Brunner,
01:29nito o Oktubre, may mga gumalaw para himukin ang AFP na bumaligtad at pabagsakin ng Administrasyon Marcos,
01:36kabilang ilang retirado-general na dismayado sa katiwalian sa gobyerno.
01:40Noong isang araw naman, inarresto si retired Philippine Air Force General Romeo Pokis dahil sa kasong inciting to sedition.
01:48May mga panawagan din sa militar na huwag nang manahimik sa gitna ng korupsyon.
01:53Pero tugon ng AFP, hindi natitinag ang kanilang pagtalima sa saligang batas.
01:58Sinusuportahan ng AFP ang mga panawagan para sa good governance at anti-corruption.
02:02Pero ang pagtugon sa mga aligasyon ay nasa horisdiksyon ng civilian courts at oversight bodies at hindi ng militar.
02:09Para sa GM Integrated News, Ivan Merina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended