Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Dahil sa missile attack ng Iran sa Qatar, sampung oras na naantala ang flight ng 31 Pilipinong pauwi sa Pilipinas. Nakatakda silang dumating mamaya bilang bahagi ng repatriation sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israel at Iran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa missile attack ng Iran sa Qatar,
00:0410 oras na naantala ang flight ng 31 Pilipinong pawik sa Pilipinas.
00:10Nakatakda siya lang dumating mamaya bilang bahagi ng repatriation
00:14sa gitna ng gulog sa pagitan ng Israel at Iran.
00:18Nakatutok si Darlene Kai.
00:24Nagulantang ang mga Pilipino sa Doha kagabi ng mamataan nilang missiles
00:28na sunod-sunod na pinakawala ng Iran sa isang US base sa Qatar.
00:33Kuha ito ni J. Carlo Abreo na nakaduti noon bilang delivery rider sa Doha.
00:38Misulang fireworks display daw kung titignan mula sa malayo.
00:41Pero sa personal, ramdam na ramdam daw ng asawa niyang si Christine
00:45ang matinding takot.
00:47Yung amo ko, yung madam, biglang bumaba at sabi magtago nga kami sa basement
00:52and then yun nga lahat kami nagbabaan.
00:55Halos tatlong oras daw silang nagtago sa basement ang bahay ng kanyang amo
00:58kung saan siya nagtatrabaho bilang caregiver.
01:01Pero hindi raw siya mapakali
01:02dahil alam niyang nasa kalsada ang asawa niya sa mga oras na iyon.
01:06First time, kinabahan po talaga ako mam.
01:09Kasi feeling ko parang tuloy-tuloy na siya
01:11pero pinakalma lang din kami ng mga lokal dito.
01:14Dahil sa missile strike, pansamantalang sinuspindi ng Qatar ang air traffic
01:19kaya pinagbawalang lumipad ang anumang sasakyang panghimpapawid
01:22papasok at palabas ng bansa.
01:25Kabilang sa mga naapektuhan ng unang batch ng OFWs
01:27na ni-repatriate dahil sa kaguluan sa Iran at Israel.
01:30Nadelay ng mahigit sampung oras ang flight ng 31 OFWs
01:34na sinundo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Kakdak.
01:3726 sa kanilay mula sa Israel.
01:39Tatlo ang mula sa Jordan at tig-isa naman mula sa Palestine at Qatar.
01:43Nang payagan na uli ang mga biyahe,
01:45agad din silang nakasakay sa flight pabalik ng Pilipinas
01:47na nakatakdang dumating pasado alas 7 ngayong gabi.
01:50We're on our way home and we're thankful to the Qatari authorities,
01:54we're thankful to Ambassador Premier League Corps
01:56and the Philippine Embassy here in Doha
01:58and of course the President himself who has been monitoring our condition.
02:02Nagahanap na raw ang gobyerno ng ibang posibleng ruta na ligtas
02:05at hindi maaantala ang biyahe ng mga susunod na batch
02:08ng nagpaparepatriate na OFWs na nasa higit 300 ngayon.
02:12At this point, we are currently also considering or studying
02:17the availing of a chartered flight.
02:20Alam ko, yung iba sa inyo alam yung ating naging chartered flight going to Lebanon.
02:25We have to consider restrictions in airspace, post-country permits,
02:30and other measures para sa ma-insure yung safety ng ating mga kababayan.
02:38Sinisiguro ng DMW at OWA na anuman yung maging desisyon ng mga kababayan nating OFW
02:42sa Iran, Israel at ibang bansa sa Middle East,
02:46kung uuwi man sila o mananatili kung nasaan sila ngayon,
02:49ay susuportahan sila at bibigyang tulong ng ating pamahalaan.
02:53Hindi lang daw financial assistance kung hindi pa titulong sa kanilang tirahan,
02:57trabaho at kalusugan.
02:58Bukas din daw ang parehong klase ng tulong para sa undocumented OFWs na apektado ng gulo.
03:03Hindi kami tumitingin sa dokumento pagtungkol sa pagtulong,
03:08lalo naman ngayon na may ganitong nangyayari.
03:11Alam naman magkwentahan pa tayo kung sinong nakarehistro o wala.
03:14Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, Nakatutok 24 Horas.
03:23Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended