00:00Naragasan ang kulay putik na baha ang ilang bahagi ng La Trinidad, Benguet.
00:06Kabilang sa nalubog sa baha, ay yung sikat, yung strawberry farm.
00:11May naitala rin rock slide sa Mountain Province habang abot baywang na baha ang namerwisyo sa Zamboanga City.
00:20Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:24Lagi ang baha naman ito.
00:25Ikinagulat ng ilang taga-sityo, Bayabas, La Trinidad, Benguet, ang pagragasa ng kulay putik na baha kahapon.
00:33Umagos ang tubig mula sa kabundukan kasunod ng malakas na bukos ng ulan.
00:38Walang naiulat na nasaktan pero sa tindi ng pagbaha, pinasok ng tubig ang ilang bahay.
00:45Pinatumba rin ang tubig ang ilang motorsiklo.
00:48Sa kuha naman ng CCTV, kita ang mabilis na pagkilos ng mga tauha ng isang motorshop nang mapansin ang pagtaas ng tubig sa katapat na kalsada.
00:59Nagsitakbuhan at kanya-kanyang lagay ng sandbag.
01:03Pero sa bilis ng pagtaas ng baha, bahagyaring inabot ng tubig ang harapan ng motorshop.
01:09Hindi rin nakaligtas sa baha ang strawberry farm.
01:13Lubog sa tubig ang ilang pananim na strawberry, lettuce at repolyo.
01:18Ayon sa mga magsasaka, ang ilan ay katatanim pa lang para sana sa anihan sa Desyembre.
01:25Nagmistulang ilog din ang mga kalsada sa bahagi ng poblasyon guyagan dahil sa mga pagulan.
01:31Sa Mountain Province, nakuna ng video ang aktwal na paghuho ng malalaking tipak ng bato mula sa bundok kanina.
01:44Unti-unti itong bumagsak at humambalam sa gilid ng Bar League na Tonin National Road na pansamantalang isinara sa mga motorista.
01:53Gamit naman ang rescue boat, inilikas ang ilang residente ng Zamboanga City dahil sa pagbaha.
02:02May ibang bahagi na abot mewang ang tubig.
02:06Ayon sa City Social Welfare Office, nasa tatlong daang pamilya ang apektado.
02:11There was a section of the wall that divided yung subdivision na bridge ng tubig, malakas na tubig, so pumasok sa subdivision.
02:23Sa bahay na ito naman, naglutangan ang halos lahat ng mga gamit dahil mabilis na pinasok ng baha.
02:30Ayon sa pag-asa, low pressure area, habagat at localized thunderstorm ang dahilan ng masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa.
02:39Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto 24 Horas.
Comments