Skip to playerSkip to main content
Nadaan sa pakiusapan ang mga oil company. Imbes na isang bagsakan bukas, hinati sa dalawa ang big-time oil price spike matapos silang pulungin ng Energy department. Pero tingin ng ilang grupo, sinasamantala lang ng mga kumpanya ng langis ang hidwaan ng Israel at Iran.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nadaan sa pakiusapan ng mga oil company.
00:04Imbis na isang bagsakan bukas, hinati sa dalawa ang big-time oil price spike matapos silang pulungin ng Energy Department.
00:13Pero tingin ng ilang grupo, sinasamantala lang ng mga kumpanya ng langis ang hidwaan ng Israel at Iran.
00:19May report si Sandra Aguinaldo.
00:21Sa pulong nila, pinakiusapan ng Department of Energy ang mga kinatawa ng oil companies na utay-utayin ang oil price hike ngayong linggo.
00:33Dapat ay papalo ito 5 pesos higit pa para sa litro ng diesel at mahigit 3 piso sa litro ng gasolina.
00:41Pumayag ang may 12 kumpanya sa hiling.
00:44Bukas ang unang bagsak na 2 pesos at 60 centavos para sa diesel at 1 peso and 75 centavos sa gasolina.
00:53Pareho ang halaga ng sunod na bagsak sa Webes.
00:56They were also willing to expand their promotions and discounts for PUVs o yung mga jeep natin.
01:02Tugo ng mga transport groups sa ipatutupad na staggered oil price hike.
01:07Parang ang gusto nga palabasin, may utang na loob tayo dahil hindi biglaan.
01:12Ang isinsya nun, parang bibitayin ka ng January, gawin natin Marso para hindi bigla, pero isinsya nun bitay ka pa rin.
01:21Wala rin garantiyang hindi masusundan ng malaki ang taas presyo, lalo't patuloy ang tensyon sa Middle East.
01:28We will continue to request as much as they could if it's possible.
01:33Ang reklamo naman ng ilang grupo sinasamantala umano ang Israel-Iran crisis sa pag-anunsyo ng oil price spike.
01:41Kulang daw ang subsidy ng gobyerno sa mga jeeper, lalo't mahal na ang langis.
01:47Kaya hiling nila sa pamahalaan na suspindihin ang VAT at tanggalin ang excise tax sa petrolyo.
01:54Sabi naman ng DOE, kailangan ng batas para maalis ang excise tax sa petrolyo.
02:01Sabi naman ng LTFRB sa fuel subsidy, hindi pa rin patiyak ng gobyerno kung magkano ang matatanggap ng bawat operator o choper.
02:09Kasi yung 2.5 billion ay pagkakasyain natin yan sa mga jeeps, sa mga UV, sa mga taxi.
02:18Please give us about 2 days or 3 days.
02:21Bagamat sinisikap ng gobyerno na mapigilan ang epekto ng oil price hike sa publiko,
02:27isa raw sa mahirap mapigilan ay ang epekto nito sa presyo ng bilihin na kailangang itransport patungo sa mga pamilihan.
02:35Pwede, they might have to adjust somewhere along the way. As to when, that's a management decision.
02:40As so much, again, it's a management decision.
02:43Si Jennifer, naghahanda na sa epekto ng oil price hike sa presyo ng kanyang panindang isda.
02:48Bukod sa langis na ginagamit sa pagpapatakbo ng maraming bangkang pangisda,
02:53kailangan din na langis sa delivery ng anumang produkto.
02:56Tulad ng diesel, tataas siya. Siempre tataasan din kami ng singil sa amin.
03:00Nag-a-adjust din kami ng kunti din sa panindang namin.
03:05Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended