Skip to playerSkip to main content
Kung dati ang mga isnabero o namimiling taxi driver lang ang inirereklamo, ngayon, idinadaing na rin ng ilang commuter ang pag-cancel ng booking ng ibang ride-hailing app o TNVS. Nakatakda nang maglabas ng utos ang Transportation Department kaugnay riyan pati na sa surge pricing. May report si JP Soriano.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kung dati ang mga isnabero o namimiling taxi driver lang ang inireklamo,
00:05ngayon, idinadaing na rin ng ilang commuter ang pag-cancel ng booking ng Ride Hailing App o TNVS.
00:12Nakatakda ng maglabas ng utos ng Transportation Department, Kaugnay Rian, pati nasa Surge Pricing.
00:18May report sa JP Soriano.
00:22May mga bumiyahin ang jeepney sa unang araw ng three-day transport strike ng Manibela.
00:27Hirap pa rin ang ilang commuters sa Quezon City, Paranaque, Las Piñas, Caloocan, Marikina at Maynila.
00:38Sabi ng transport group, 80% ng Metro Manila ang naparalisa dahil sa tigilpasada nila.
00:45May balik yung ating five years na prangkisa at makarehistro po tayo.
00:49Imbis po na ipambayad na lamang namin doon sa mga renewal nito, pinagmumulta pa po kami.
00:55Barya-barya lamang po ang kinikita ng ating mga kasamahan.
00:59Bukod sa mga jeep, malaking tulong din sana ang mga Ride Hailing App o TNVS, lalo na ngayong Christmas Rush.
01:07Yan ay kahit pa mas mataas ang pamasahe.
01:10Si Ina, malapit lang daw ang pupuntahan pero sinisingil lang mahigit 300 piso.
01:16Umuulan kaya pumayag na siya.
01:18Kaya parang wala akong choice.
01:21Yun nga lang, nag-cancel ang TNVS rider.
01:25Ganyan din ang naranasan ng iba pang pasahero.
01:28Kasi expected namin nandun na, tas makaka-uwi na kami.
01:31Tas antay na naman kami ng another booking.
01:35Paliwanag ng samahan ng mga Ride Hailing App drivers,
01:38may mga TNVS na otomatikong nag-a-accept ng pasahero,
01:42kahit nasa dalawang kilometro pa ang layo sa kanila.
01:46Hindi raw yan basta-basta kinakansela.
01:48Dahil bukod sa multa, pwede silang masuspende sa app ng ilang minuto o oras.
01:54Kapag masyado ng malayo, napakataas po ng gasolina ngayon,
01:57talagang napipilitan po na mag-cancel.
01:59At kawawa naman po yung mag-aantay ng mga pasahero natin.
02:02Ang Department of Transportation ipinag-utos na sa LTFRB
02:07na isumiti ang listahan ng mga driver mula sa mga ride-healing companies
02:11na nawiwiling mag-cancel ng booking lalo na ngayong Christmas season.
02:16At sa mga susunod daw na araw,
02:18maglalabas daw sila ng memorandum para sa mga nagdadahilan ng traffic.
02:23May traffic naman saan.
02:24Huwag na lang po silang lumabas kung ganun.
02:27At mas mabawasan pa yung traffic.
02:29I mean, that's the purpose of supposedly a public utility vehicle.
02:35Dagdag pa ng DOTR.
02:37May dalawang piso na sinisingail sila every minute
02:41that incorporated supposedly yung traffic dun.
02:45Papaba yung surge pricing.
02:47Nakatakda namang pagpulungan ng DOTR, LTFRB
02:50at ride-healing app companies ang legalidad ng surge pricing
02:54o kung pwede itong suspindihin
02:56o pansamantalang tanggalin tuwing Pasko.
03:01JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended