00:00Mga ka-RSP, back to school na ang nasa mahigit 27 million estudyante.
00:06At isa nga sa mga tapat-pantayan ng mga magulang ay ang kaligtasan ng mga gamit sa eskwela ng kanilang mga anak.
00:12Kaya iyan po ang pag-uusapan po natin ngayon, pero bago iyan, panuunin po na natin ito.
00:18Isa sa mga inaabangan ng bawat estudyante tuwing pasukan ang kanilang mga bagong gamit.
00:25Mula sa iba't ibang disenyo ng notebooks, bags, art materials at pencil cases.
00:31Hanggat maaari gusto nilang makulay at may larawan ito ng kanilang paboritong cartoon character.
00:39Pero alam mo ba na hindi lahat ng school supplies, lalo ng mga bagay na may matingkad na kulay, ay ligtas gamitin?
00:48Ayon sa ilang pag-aaral, may school supplies na may toxic chemicals na pwedeng makasama sa kalusugan ng bata, lalo na kung matagal silang na e-expose rito.
01:00Pero paano nga ba natin matitiyak na ligtas ang mga gamit na mayroon ang ating mga anak mula sa mga nakalalasong kemikal?
01:09Ano-ano ang mga dapat bantayan at tingnan ng magulang sa pagbili ng mga gamit sa eskwela?
01:17Yan ang ating nga alamin ngayong umaga, dito lang sa Rise and Shine, Pilipinas!
01:25At kaugnaya nga po nito, makakasama po natin ngayong umaga ang Advocacy at Campaign Officer ng Ban Toxics na si Sir Tony Disson.
01:32Magandang umaga at welcome back dito sa Rise and Shine, Pilipinas, Sir Tony!
01:35Yes, good morning mga ka-RSP at magandang umaga po sa inyo nila.
01:39Okay, Sir Tony, base po sa inyong listahan at pag-aaral,
01:42ano-ano po ba yung mga gamit na napag-alaman ninyo, nagtataglay, na mga nakakalason o yung toxic chemical?
01:48Meron po kayong mga inihandang mga kagamitan dito ng mga kabataan ngayon.
01:52Ito po yung pangkaraniwang po natin makikita sa mga bilihan o sa marketplace, yung mga ganitong gamit ng mga bata.