00:00Samantala mga kapuso, dahil pa rin po sa nakaambang big-time oil price hike, kaya pa ba? Yan ang tanong.
00:08Dahil nga po, sa inaasahan nga pong big-time oil price hike simula bukas, ang tanong, kaya pa ba?
00:14Dahil inaasahan rin po ang pagtataas sa presyo ng mga pagkain, gaya ng gulay, karne at iba pa.
00:21At live mula sa Maynila, may unang balita si Bea Pimla.
00:24Bea, magkano ang taas presyo sa mga pagkain?
00:30Maris, nako, hindi pa alam ng mga tindera sa ngayon kung magkano nga ba yung magiging taas presyo nila.
00:37Pero ngayon pa lang, nangangamba na sila dahil kapag daw may taas presyo sa produktong petrolyo,
00:44hindi may iwasan na sumabay din dyan yung pagmahal ng presyo ng iba pang bilihin, gaya ng gulay at manok.
00:50Tila wala ng preno ang malakihang taas presyo sa produktong petrolyo bukas martes,
01:00bunsod ng tumitinding tensyon ng Iran at Israel.
01:04Ang ilang nagtitinda sa Blumentritt Market, nangangamba.
01:07Dahil anila, kasunod na niya ng lalo pang pagmahal ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
01:13Hindi pa nga tumataas yung petrolyo, ang taas na agad ng gulay at manok, baboy.
01:18Lalo na ngayon, tatasa pa yung petrolyo, eh di baka mas dodoble pa yung presyo nyan.
01:22Tumasa po nun. Tapos mura lang yung bintahan. Wala, tsaga-tsaga na lang talaga.
01:29Sana nga po, hindi na po tataas eh, kasi wala na po kinita yung mga tindera, ganun.
01:35Tsaka, budget na po yung mga namimili. Talagang pangulam lang, hirap na.
01:40May ipit din daw sa nakaambang taas presyo ng petrolyo ang mga maliliit na negosyo.
01:46Hindi naman kami pwedeng magtaas. Kasi inaano namin yung mga tao na isang kahit isang tukan lang din.
01:55Wala naman tayong magagawa. Lahat naman tayo apiktado.
01:59Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarket Association Incorporated,
02:04tiyak na may epekto sa cost of production ng mga manufactured food ang oil price hike.
02:09Kapag tuloy-tuloy ito, at tataas ang tataas ang presyo dahil na sa nangyayari sa Middle East,
02:16eh, pwedeng, they might have to adjust somewhere along the way.
02:19As to when, that's a management decision.
02:22As so much, again, it's a management decision.
02:24Papasa sa amin, nung distributor, and then we'll have to pass on to consumers, for sure.
02:29Tuloy-tuloy din ang pagtas ng parinda, kasi hindi naman pwede na magpalogi tayo.
02:34Sinusubukan pa namin kuhanin ang reaksyo ng Department of Trade and Industry.
02:42Maris, ayon sa mga nakausap natin, kung hindi huhupa ang hidwaan ng Israel at Iran
02:47at magtuloy-tuloy ang inaasahang taas presyo ng mga bilihin,
02:52hindi lang daw mga mamimili ang kawawa, kundi pati na rin ang mga nagtitinda.
02:56At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
02:58Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:01Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:04Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.