00:00Samantala, kumustahin naman po natin ang presyo ng mga gulay sa ilang palengke kasunod ng Big Time Oil Price Hike
00:05ngayong araw at live mula sa Pasig.
00:07Ngayon ang balita si EJ Gomez. EJ, good morning.
00:14Marius, good morning. Wala pang pagtaas ng presyo sa mga gulay dito sa Pasig Mega Market sa kabila ng malakihang
00:21taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
00:29Ang mga gulay na ibinibenta sa Pasig City Mega Market, bumaba sa 30 pesos hanggang 75 pesos ang kada kilo.
00:37Ayon sa mga nagtitinda, walang epekto sa ngayon ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:42Okay lang naman, wala pang pagbabago. Kasi maraming gulay ngayon. Anihan ng gulay ngayon.
00:49Yung presyo naman, hindi pa naman nagbabago e. Pero baka siguro maramdaman natin yan sa ano na, after a week
00:56siguro.
00:57Kumbaga, first day pa lang naman kasi na nagtasang mga langis, diba?
01:01May ilang klase ng gulay ang bumaba pa ang presyo dahil anihan, kaya marami rin ang supply.
01:06Dito sa Pasig Palengke, ang kada kilo ng repolyo mabibili sa 35 pesos na dating 60 pesos.
01:12Ang bell pepper, 180 pesos ngayon mula sa 240 pesos.
01:18Ang kamatis, 25 pesos na dating 60 pesos.
01:22Ang kalamansi, 110 pesos na nooy 160 pesos.
01:27Ang kada kilo ng sayote, 30 pesos na lang na dating 70 hanggang 80 pesos.
01:33Ang talong, nasa 45 pesos naman mula sa 120 pesos noon.
01:38Tig 50 pesos naman ang ibinaba sa kada kilo ng Ampalaya, na nasa 90 pesos ngayon.
01:44Ang sitaw, kalahati na lang ang preso at nasa 120 pesos ang kada kilo.
01:50Ang okra, bumaba rin at mabibili ngayon sa 100 pesos kada kilo.
01:56Bumaba rin ang preso ng ilang panggisa.
01:59Nasa 40 pesos naman ang ibinaba ng bentahan ng kada kilo ng bawang at sibuyas na ngayon ay 200 pesos.
02:05Ang luya naman, 250 pesos mula sa dating 300 pesos.
02:11Matumal daw ang bentahan sa ngayon, sabi ng mga nagtitinda.
02:15Matumal, mahina ang kita. Alos sapat lang.
02:22Minsan kapos pa.
02:24Pag nagtaas ang biyahero, magtataas din kayo yung nagre-retail.
02:33Maris, karamihan ang mga ibinabenta ang gulay dito sa Pasig ay binabiyahe o mula pa sa Baguio, Pangasinan, Batangas, Bulacan
02:42at Laguna.
02:42Ayon dun sa mga nakausap nating nagtitinda, kung magsisimula na raw ang taas preso sa kanila mga paninda bukas,
02:49aabot daw yan sa 2 piso hanggang 5 piso kada kilo.
02:52At yan, ang unang balita mula po nito sa Pasig City.
02:57EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
Comments