00:00Improvement sa Press Freedom Index at ang mga hakbang para sa Press Freedom Concerns,
00:06ating tatalakayin kasama si Presidential Task Force on Media Security,
00:10Executive Director Jose Torres Jr.
00:13Yusek Joe, magandang tanghali po.
00:15Magandang tanghali po at napakasaya.
00:18Kung naimbitahan yung dalawa dito, matagal na tagal na rin po tayong dinikita.
00:22Yes, sir.
00:23Sir, una po sa lahat, ano po ang inyong reaksyon sa pag-angat ng Pilipinas
00:27mula sa 134th, ngayon ay nasa 116th na pwesto sa World Press Freedom Index.
00:35Siyempre, napakasaya natin na narecognize ng international community
00:39yung improvement ng press freedom dito sa ating bansa.
00:43At ito ay pangalawa lamang na recognition nila.
00:46Dahil last year po, nilabas ng reporter sans frontiers na for the first time in 20 years,
00:53wala pong pinatay na kasama natin mamamahayag dito sa ating bansa.
00:58Kaya we welcome and we will continue to strive na mas lalo pa nating paigtingin
01:03ang pangangalaga ng pamamahayag, ng kalayaan ng pamamahayag dito sa atin
01:08at sa welfare ng mga journalists.
01:11Sir, para sa PTFOM, saan yung particular na hakbang o reforma,
01:15yung pinakamalaking naging contribution para bumaba tayo sa Press Freedom Index?
01:20Actually, naging proactive.
01:21Pag-angat pala, sorry.
01:22Yes po, yung pag-angat natin sa Press Freedom Index natin.
01:26Isa dyan yung pakikipagtulungan natin sa stakeholders.
01:30Kasama na natin ng iba't-ibang mga media organizations,
01:33iba't-ibang grupo.
01:34Kinukonsulta po natin sila kung ano yung kanila mga pangangailangan
01:37at yung mga challenges na kanilang kinakaharap.
01:41At ito ay ating pinapakinggan at ina-actionan.
01:43At kasama na rin natin sa table ang mga government agencies.
01:50So, halimbawa, yung mga dating nire-report na may mga,
01:54before, yung mga police na nangahabol ng media.
01:57Ngayon ay wala ng pagkakaintindihan kasi magkakasama na sila
02:01ang mga media organizations and stakeholders.
02:05Kasama na rin yung mga police natin at iba pang mga ahensya.
02:08Actually, na-recognize ito ni Irene Khan
02:11sa kanyang report na inilabas nitong nakalipas na araw.
02:15At sabi niya, isang magandang hakbang ng Pilipinas
02:18ang pagtatag ng Presidential Task Force on Media Security
02:21at ang patuloy nating pag-implementa ngayon
02:24doon sa Philippine Plan of Action for the Safety of Journalists.
02:28Kabagit nyo, sir, yung pakikipag-ugnayan nyo sa media groups
02:33at saka sa government agencies.
02:35So, in particular po, kunyari sa DOJ, sa police,
02:39ano po yung concrete at specific steps na ginagawa nyo
02:43at pinagtutulungan nyo para ma-ensure yung press freedom at media security?
02:48Unang-una po, nailunsad muli natin yung tinatawag nating PNP media vanguards
02:54nitong April.
02:56At ito siya yung nagiging frontliners natin.
02:58Kung merong reklamo, may report ng pananakot
03:02o banta sa buhay ng mga mahayag sa kahit anong lugar man ng Pilipinas
03:07ay pwede silang pumunta doon sa ating media vanguards.
03:11Yung PNP po, ang media vanguards natin.
03:14And immediately po, for example, may nangyari
03:16less than 30 minutes.
03:19Or actually, ngayon, in less than 3 minutes,
03:22ando na dapat yung police.
03:23Or 5 minutes, ando na dapat yung police.
03:24Pero yung ating PNP, yung PT forms natin po,
03:27within 12 hours po, dapat nandoon kami sa ground
03:31to help the local authorities investigate cases of atrocities
03:36or attacks on media.
03:38Sir, bagamat may pag-angat sa ranking,
03:40ano po yung mga challenges pa na patuloy ninyong hinaharap
03:44sa mga oras na ito pagdating sa press freedom?
03:46Patuloy pa rin po yung mga challenges.
03:49Tulad halimbawa, yung mga pagbabanta,
03:50hindi po natin maikaila na
03:53meron pa rin mga grupo,
03:56may mga individual,
03:57na dahil sa reporting ng ating mga media
04:00ay tinatamaan at minsan ay nagbabanta.
04:03At ito ay patuloy natin inimbestigahan
04:05at hindi po natin ito pinapalampas.
04:08At dahil po nga laganap na itong tinatawag na fake news,
04:12disinformation, misinformation,
04:14ito yung pinakamalaking challenge natin.
04:17Sa bahagi po natin,
04:18hindi po natin ito papalampasin,
04:20iimbestigahan po natin,
04:21lalong-lalo na kung ito ay
04:23banta sa kapakanan ng mga mamamahayal.
04:27Nabanggit nyo, Yusek,
04:28yung media vanguards as an example
04:31para po talaga
04:32ma-insure yung security
04:35at saka yung safety
04:36ng ating media practitioners.
04:38Pero ano pa po yung mga hapbang
04:40na gusto nyo gawin
04:41in the coming months and years
04:43para po talaga
04:44maisaayos yung challenges?
04:48Yes, na nabanggit nyo,
04:49lalo na po yung mga karahasan
04:52at pagpatay sa mga kawanginang media.
04:57Magiging proactive.
04:59Actually, nagiging proactive po ang PTFOMS ngayon.
05:01Sinusubukan po natin
05:02at sinimulan na
05:04ang pag-iikot sa buong Pilipinas
05:06upang magkakaroon ng mga training workshops.
05:08Hindi lamang sa safety,
05:10hindi lamang tungkol sa kanilang security,
05:12kundi kahit doon sa ethics
05:14at understanding sa kultura
05:16at konteksto
05:17na makinukover ng media.
05:19Kasi dito,
05:19nagkakaroon ng mga dipagkakaintindihan.
05:21Halimbawa,
05:22sa darating na halalan,
05:24especially sa BARM,
05:25maraming iba't ibang media organizations,
05:27mga journalists
05:28na pupunta sa iba't ibang lugar
05:30ng BARM.
05:32Alam naman po natin,
05:33historically,
05:34marami pong mga challenges
05:36dyan sa regyo na yan.
05:37Although napakaganda ngayon
05:38at under the administration,
05:41isang prioridad ito
05:42para doon sa safety and security.
05:44Kasama na doon sa media.
05:46So, for journalists,
05:47even for journalists here
05:49in Metro Manila
05:50who will be covering
05:51the BARM elections,
05:52we will be holding
05:53workshops on their safety.
05:56At the same time,
05:57hindi lamang po yun,
05:58kundi yung pag-intindi
05:59ng kultura,
06:00konteksto,
06:01kasaysayan
06:02ng lugar na kanilang kinukover
06:04para ma-avoid yung mga
06:05misunderstandings.
06:06Aside from that,
06:07magkakaroon din po tayo
06:09ng mga kampanya,
06:10hindi lamang para doon
06:11sa mga kasama natin
06:11sa media
06:12para maintindihan nila
06:13kung ano yung kinukover nila,
06:15kundi pati na rin po
06:16doon sa mga local government units,
06:19mga sa publiko,
06:21yung tinutuloy po natin
06:22at pinapahalagahan
06:23yung media and information
06:24literacy po natin
06:26kasi para mas maintindihan
06:28ng mga kababayan natin,
06:30lalong-lalo na yung
06:30nasa pwesto,
06:31nasa mga private sector,
06:34kung ano yung role ng media
06:35para malalaman nila
06:37na may mahalagang role
06:40ang media
06:40para sa ating demokrasya.
06:42Sir, patungkol naman doon
06:43sa mekanismo,
06:44sa proteksyon
06:45ng mga mamamahayag,
06:46ano po yung mga
06:47konkretong mekanismo
06:48na ipinatutupad
06:49ng PT forms
06:50para tiyakin yung
06:51siguridad
06:51ng mamamahayag
06:53sa bansa?
06:54Kasi pag sabi mong
06:55proteksyon,
06:55napakalaki ng
06:56saklaw nito.
06:58Ano po ba,
06:59hanggang saan po ba
07:00yung proteksyon
07:00na binibigay
07:01o servisyo
07:02na pwedeng ibigay
07:03ng PT forms,
07:04ito po ba
07:04ay siguridad lang
07:06para sa kanyang buhay
07:08o kasama din yung
07:09siguridad sa trabaho
07:10at iba pang aspeto?
07:12Gusto po natin
07:13isama yung welfare
07:15ng mga journalists
07:16subalit,
07:17yung mandato lang po
07:18ng PT forms
07:19ay yung kanilang
07:20security,
07:21sa kanilang buhay,
07:22yung physical security.
07:24Kaya anytime po
07:24na may threat
07:25sa buhay ng mga journalists,
07:27pwede po kayong
07:27pumunta doon
07:28sa ating
07:28Facebook pages,
07:30sa social media natin,
07:32ando'n yung QR code
07:33at pwede niyong
07:34i-report immediately
07:3524-7 po,
07:36minomonitor po natin yan
07:37at magre-responde tayo
07:39immediately.
07:41Pagkaroon naman,
07:42pag meron namang
07:43mga kaso,
07:44tinutulungan po natin yan
07:45sa legal aid,
07:47sa pamamagitan ng
07:48assistance ng
07:48public attorney's office,
07:50meron din pong
07:51sa prosecution
07:52at pagkahanap doon
07:53sa mga
07:54pagtulong sa pulisya,
07:55sa mga pagkahanap
07:56ng ebidensya,
07:57kung meron
07:58mga kaso
07:59laban sa mga
08:00nagbabanta
08:02sa mga mamamahayan.
08:04Nabanggit nyo
08:04kanina,
08:05Yusek,
08:06yung 30 minutes
08:07na response time
08:08para po
08:09sa ating mga
08:10quick response team.
08:12Paano po
08:12kung napakalayo
08:14ng lugar
08:14o medyo
08:16hindi talaga
08:17kumbaga
08:18hindi pa pwedeng
08:20mapasok yung lugar?
08:21So,
08:21ano po yung pwede
08:22natin gawin
08:22para mas mapabilis
08:24talaga yung
08:24pag-responde natin
08:25sa mga kaso?
08:26Kasama po
08:27sa Presidential Task Force
08:30membro po natin
08:31ang Armed Forces
08:32of the Philippines
08:33nandiyan po
08:34ang Philippine National Police
08:35syempre yung
08:36DILG,
08:37DND,
08:38ang DOJ,
08:40nandiyan yung NBI
08:41na pumutulong sa atin
08:42so,
08:43whole of government
08:44approach po
08:45yung pag-address natin
08:46doon sa pagbabanta
08:47o sa mga
08:48anumang mga
08:49yun,
08:50threats sa buhay
08:51ng mga mahayag
08:52at kasama na rin po
08:54natin yung
08:54civil society
08:55at media organization
08:57so,
08:57even doon sa pag-responde
08:59kung ano man
08:59yung mga nangyayari
09:00isinasama na natin sila
09:02para wala
09:02ng mga discrepancies
09:03for example
09:04sa data
09:04sa mga figures
09:06na ating ilalabas
09:07sa publiko.
09:08So,
09:09sir,
09:09sa paano para
09:10naman po
09:10pwedeng makiisa
09:11ang publiko
09:12at ang media
09:13practitioners
09:14pagdating po doon
09:15sa pagpapalakas
09:16ng press freedom?
09:17Unang-una po talaga
09:18dapat sa ating mga kababayan
09:19intindihin po natin
09:20yung role ng media
09:21meron pong mahalagang
09:23role yung media
09:24para sa ating lipunan
09:25para mas malaman natin
09:26ang katotohanan
09:27at makapag-desisyon tayo
09:28ng tama
09:29especially pagdating
09:30doon sa eleksyon
09:31pagdating sa ating
09:32mga ginagawa
09:33pangalawa po
09:34supportahan po natin
09:35yung ethical practice
09:37of journalism
09:37kung meron din po
09:38mga katiwalian
09:39na makita kayo
09:40tungkol sa media
09:41pwede rin pong
09:42ninyong i-report
09:43sa atin
09:44at ipadala sa atin
09:45kahit kasi tayo po mismo
09:47ay titignan natin
09:48in partnership
09:49with other media
09:50organizations
09:51kung ano yung
09:51nangyayari doon
09:52sa ating mga kababayan
09:53at mga mamamahayag
09:55na nandito sa Pilipinas
09:56Siguro mensahe na lamang po
09:59USEC
09:59sa ating mga kasamahang
10:01mamamahayag
10:02na patuloy na
10:03humaharap sa
10:04mga banta
10:05at sa mga
10:07challenges
10:08as they
10:09go about
10:10with their work
10:10Yun po
10:11mga kasamahan
10:12natin sa media
10:13mga journalists
10:14photographers
10:15lagi po tayong
10:16mag-ingat
10:17mag-ingat po tayo
10:18kasi tag-ulan na
10:19mag-ingat po tayo
10:21hindi lamang
10:22para doon sa
10:22siguridad natin
10:24physical
10:25doon sa mga banta
10:25kundi sa ating mga
10:26sarili po
10:27pangalagaan po natin
10:28ating mga sarili
10:29ang ating katawan
10:30ang ating kalusugan
10:31kasi kailangan po natin yan
10:33sa pagpapatuloy natin
10:34sa paglilingkod
10:35sa ating mga kababayan
10:35upang maihatin natin
10:37ang tamang balita
10:38ang tamang informasyon
10:39para sa lahat
10:40upang mas mapapanatili
10:42natin at mapapangalagaan
10:44po ang ating demokrasya
10:45na patuloy po
10:47na responsabling
10:50pamamahayag po
10:51ang kailangan po natin
10:52upang mapangalagaan po natin
10:54yung demokrasya natin
10:55upang patuloy po
10:57ang kalayaan
10:58na pamamahayag dito
10:58sa ating bansa
10:59Okay, maraming salamat po
11:02sa inyong oras
11:03Presidential Task Force
11:05on Media Security
11:06Executive Director
11:07Jose Torres Jr.
11:09Thank you so much