00:00Sa ibang balita, Biyaheng Osaka, Japan, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang working visit doon.
00:08Kasama ng Pangulo ang ilang delegado at kabilang sa mga dadaluhan doon ng Pangulo ay ang World Expo,
00:14kung saan ibibida niya ang ganda ng Pilipinas at ang ating mayamang kultura.
00:20Inaasahan din mahikipagpulong ang Pangulo sa ilang Japanese company at dadalaw sa Filipino community.
00:27Nagbukas ang World Expo 2025 noong April 13 na magtatapos sa October 13.
00:34Itinalaga naman bilang caretakers ng pamahalaan sina Executive Secretary Lucas Bersamin,
00:39Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Department of Education Secretary Sonny Angara habang wala ang Pangulo.
00:47Inaasahan babalik ng bansa ang Pangulo ngayong weekend.
00:50Ang pagpunta po ng Pangulo doon ay para po pasinayaan, puntahan at ipagmalaki ang pavilion ng Pilipinas sa nasabing World Expo sa Osaka 2025.
01:04Dahil ito po ay nagtatampok po ito ng mga, of course, yung mga mayayaman nating kultura at ang magaganda nating landscapes.
01:13At ito po ay isa sa parte para po mas lalong mapalawig natin ang turismo sa bansa.
01:20Maliban po dito ay magkakaroon po ng business meetings ang ating Pangulo.
01:25At magkakaroon din po ng pag, ang oras po ay ilalaan niya para sa mga kababae natin sa nasabing bansa.