00:00Hindi bababa sa 30 opisyal ang sakop ng ikinasang malawakang balasahan sa Philippine National Police.
00:06Kabilang sa mga may bagong posisyon ang nasa 11 general, si Ryan Lesigue sa Sentro ng Balita.
00:15Mahigit dalawang linggo matapos maopo sa pwesto ni PNP Chief Police General Nicolás Torre III,
00:21agad na nagpatupad ng malawakang balasahan sa hanin ng pambansang polisya si Torre,
00:25hindi bababa sa 30 opisyal ng PNP ang kasama sa balasahan.
00:30Kabilang na dito si Police Brigadier General Romeo Macapaz na itinalaga ni Torre bilang bagong CIDG Director si Macapaz,
00:38ang mamumuno ng Premier Investigating Unit ng PNP na unang pinamunuan ni General Torre kung saan pinangunahan nito
00:45ang pag-aresto sa ilang high-profile personalities gaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Pastor Apolo Quiboloy.
00:52Pinakahuling pinamunuan ni Macapaz ang Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao hanggang nitong eleksyon.
00:59Papalit kay Macapaz sa ProBar bilang Director si Police Brigadier General Jason De Guzman,
01:05efektibo ngayong araw.
01:07Bukod sa CIDG, pinalitan na rin ang Director ng PNP Anti-Kidnapping Group sa katauhan ni Police Brigadier General Glycerio Cansilaw.
01:14Ang dating PNP AKG Director naman na si Police Colonel David Nicolás Poclay ay itinalaga na sa PNP IG.
01:23Bukod sa mga nabanggit na opisyal, ay hindi bababa sa 30 iba pa ang kabilang sa panibagong rigodon sa pambansang polisya.
01:30Samantala ay sinagawa ng Security Forces ng bansa ang ikaapat na National Joint Peace and Security Coordinating Center meeting
01:37sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Coast Guard na ay sinagawa sa Camp Aguinaldo.
01:44Dito ay pinagtibay ang naging tagumpay nito contra-insurgency makarang selyuhan ang deklarasyon na nalansag na ang mga communist terrorist group
01:52at ang pagbagsak ng local terrorist group sa bansa.
01:56Bukod sa paglansag sa mga CTG at pagkapanalo ng pamahalaan sa LTGs,
02:02pinagtibay din ito ang pagkakasa ng joint exercise sa pagitan ng AFP at PNP.
02:07Sa kanyang panig, binigyan din ni PNP Chief Police General Nicolás Torre III
02:11ang pinigting na police visibility at ang mas mabilis na pagtugon sa emergency sa ilalim ng 5 minutes response time.
02:19Tiniyak din ang PNP ang kahandaan nito para sa nalalapit na parliamentary elections
02:23sa Bangsa More Autonomous Region para masiguro ang mapayapa, patas at maayos na halalan.
02:30Mula dito sa Campo Krame, Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.