00:00Samantala, patuloy ang inisyatibo ng kapulisan sa kanilang paghahanda sa epekto ng kalamidad.
00:04Mula sa kagamitan hanggang sa tauhan, tiniyak ng PNP na handa silang rumisponde anumang oras.
00:10Si Ryan Lesigue sa Sentro ng Balita.
00:15Prepared po kami. 100% po ang polis po namin prepared to help.
00:19Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga emergency.
00:25Kasabay nito, ngayong araw, sabay ang ginawa ang PNP-wide Annual Inspection ng Disaster Response Equipment sa Camp Krame.
00:33Pinangunahan ni PNP Chief Police General Romel Francisco Marbil ang inspeksyon at simultaneous sa iba pang polis regional offices.
00:42Dito ay pinakita ang gamit ng bawat equipment at ang kahalagahan nito.
00:46Sa datos ng PNP, aabot sa 8,422 ang search and rescue equipment tulad ng bolt cutter, searchlight, chainsaw at iba pa.
00:57Meron din silang 26,110 communication equipment at 9,328 na transportation equipment.
01:05Pag kami sa Kunanda, number one problem is your equipment, number two is your communication.
01:11More or less, kung pinakita po natin, meron na po kaming satellite, starlink sa mga lahat ng polis station natin na battery operated dyan.
01:20So they can, pwede po sila mag-communicate anytime.
01:24Samantala, kanila rin sinabi na 21,840 manpower ng PNP ang nakahanda sa pagresponde sa Sakuna.
01:32Binubuo ito ng Urban Search and Rescue Team, Water Search and Rescue Team, Humanitarian Assistance and Disaster Relief Team at iba pa.
01:41Pag kami bumabagyo, dapat makita nyo pa rin. Kasi peace and order is always a problem.
01:48Pag may sakuna, yung mga tao natin, mga establishment na papabayaan. So we really need a policeman nando sa ground.
01:56Mula dito sa Kampo Krame, Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.