00:00Naibalik na ang sapat na supply ng kuryente sa probinsya ng Siquijor nitong Sabado, June 14,
00:06isang araw bago ang itinakdang deadline ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:10Ayon sa National Electrification Administration, ONEA,
00:14ito'y matapos ang kanilang pakikipagtulungan sa province of Siquijor Electric Cooperative o ProShell Co.
00:20para sa agarang pag-asasayos ng mga generator set ng Siquijor Island Power Corporation o SIPCOR.
00:26Dagdag ng ahensya, nakipag-ugnayan din sila para sa pagpapadala at pagkakabit ng generator set
00:33mula sa Palawan Electric Cooperative o Paleco,
00:36kasabay ng dagdag na nirentahang gensets mula sa SIPCOR.
00:39Dahil dito, umabot na sa 11 megawatts ang power capacity ng probinsya,
00:44mas mataas sa peak demand na 9 megawatts.
00:47Tiniyak naman ang Department of Energy at NEA ang patuloy na pagbabantay
00:51para mapanatili ang supply ng kuryente para sa mga residente,
00:55negosyo at mga paaralan sa Siquijor.