00:00Hindi pa rin inaaksyonan ng Kamara ang hinihingi sertifikasyon mula sa 20th Congress kung gusto pa nitong ituloy ang impeachment proceedings.
00:11Hindi pa kasi nagsisimula ang termino ng mga susunod na kongresista, kaya may gustong ipaklaro ang prosekusyon sa Senate Impeachment Court.
00:21Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:23May this year, June 30 pa ang simula ng termino ng mga nahalal sa 20th Congress at sa July 28 pa sila magbubukas ng sesyon.
00:36Pero gusto ng Senate Impeachment Court na hingan na sila ng sertifikasyon na interesado pa rin sila sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:46Kaya kaklaruhin ang House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court na klaruhin ang utos na ito.
00:53Hindi raw ito pagsuway sa impeachment court.
00:56Kami ay magsusumiti ng klarifikatory para at least malinawan po kami sa kanilang aksyon.
01:03Dapat noong June 2 pa pinatawag na kami ng Senado.
01:09Dapat nando doon na kami tapos ito ay na-move noong June 11.
01:13So ano magiging epekto ng mga itong mga ginagawa po ng Senado?
01:19Ayon naman kay ML Partylist Rep. Elect Laila de Lima na inaasahang magiging bahagi ng House Prosecution Panel,
01:28hindi na kailangan ng sertifikasyon ng Kamara.
01:31Kailangan lang i-reappoint ang House Prosecutors na siya ng direktang haharap sa Impeachment Court.
01:37Sakaling igigit ng Senate Impeachment Court ang paghingi ng sertifikasyon mula sa 20th Congress na interesado pa rin itong ituloy ang impeachment proceedings,
01:45sabi ng ilang kongresista na magiging miyembro ng susunod na kongreso na paninindigan nila ang kanilang pirma sa Articles of Impeachment.
01:55Hindi naman pwede natin ipasang masawalang bahala.
01:59We cannot sweep under the rug an accusation finding such as this.
02:04The Senate must try. Wala silang choice kung hindi mag-try.
02:07Gagawin natin ang lahat para magtuloy-tuloy hanggang sa mapanagot si VP Sara sa isyo ng confidential funds at iba pa.
02:17Anything can still happen between now and the opening of the 20th Congress.
02:26Naniniwala rin ang ilang kongresista na malaki rin ang papel ng taong bayan sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings.
02:32Kaya ito din yung challenge namin sa taong bayan. Paalam sa ating mga kongresista na una na mamatiyag tayo,
02:39pangalawa na kakampi natin sila at hindi sila nag-iisa sa isyo ito.
02:44Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
Comments