Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong video.]


Hindi lang sinuntok at tinadyakan, kinuryente pa ang isang PWD ng mga kapwa niya pasahero sa isang bus. Iniimbestigahan ‘yan ng Transportation Department at sinuspinde na ang lisensya ng driver at konduktor. Tugon ng bus company, nangagat ang PWD.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon-Vesayas at Mindanao.
00:05Hindi lang sinuntok at tinadyakan, kinuriyente pa ang isang PWD ng mga kapwa niyang pasahero sa isang bus.
00:13Iniimbestigan niya ng Transportation Department at sinus pindi na ang lisensya ng driver at konduktor.
00:19Tugon ang bus company, nangagat ang PWD.
00:22Babala po mga kapuso, sensitibo ang nahulikam na tagpo.
00:26Sa pagtutok ni Joseph Morong.
00:30Sa video na kumakalat sa social media at iniimbestigahan ng Department of Transportation,
00:35makikita ang isang nakaputing lalaki na nakaupo sa dulo ng bus.
00:40Tumayo siya at tila lumapit sa nagvividyo habang pinagtitinginan siya ng ibang pasahero ng bus.
00:45Bumalik siya sa kanyang pwesto.
00:47Maya-maya itila na palapit ang nakaputing lalaki sa nagvividyo.
00:51Nagpatulong ang lalaki sa iba pang sakay ng bus para pigilan ang lalaki na tila di mapakali.
00:56Ang lalaki na tila umiiyak at ilang beses nagmakaawa, sinuntok at tinadyakan ng ilang pasahero.
01:08Maya-maya ay nasa lapag na ng bus ang lalaki.
01:13May humawak sa kanyang leeg at tila may narinig sa video na tunog ng kinukuryente.
01:18Hanggang sa tila, maitulak siya sa may pinto ng bus.
01:31Naalarma ang Department of Transportation sa insidente na nangyari noong June 9
01:36sa loob ng Precious Grace Transport sa EDSA bus carousel.
01:40Ang lalaki, isa raw 25-year-old na person with disability.
01:44This was a crime. Binugbo, kinuyo.
01:51Yung isang kababayan natin na may kapansanan sa loob ng isang bus.
01:57Krimen niya.
01:58This is very personal to me. Why? Because I have a brother.
02:01My youngest brother has autism.
02:04It's not easy to understand. Hindi siya madaling intindihan yung kondisyon na ito.
02:07Reactions are triggered by loud noises, by light, or by other triggers.
02:15Pero dapat naiintindihan niya ng mga kababayan natin.
02:17Lumabas sa paunang investigasyon ng LTO na kapwa, mga pasehero,
02:22ang nambugbog sa PWD.
02:24Iniimbestigahan kung may gumamit nga ng taser o pangkuryente sa PWD.
02:28Ayon sa DOTR, may pagkukulang dawan driver at konduktor ng bus dito.
02:33May responsibilidad yung bus company at yung driver at yung konduktor dito sa mga ganitong sitwasyon.
02:43Dapat nakialam ang konduktor. Driver hindi pa rin makialam doon kasi nagpamanero siya.
02:47Pero ang konduktor, dapat makialam yan.
02:50Dapat pigilan. Pero based on our initial reports, huwag ang ginawa yung konduktor.
02:55I can confirm that as far as it is concerned, as far as the security in each of the stations,
03:01wala po silang re-deport tungkol po sa mall-in incident.
03:05Sinuspindi na ng LTO ang driver's license ng driver at konduktor ng bus
03:10at pinagpapaliwanag na rin ang LTFRB ang kanilang kumpanya.
03:15Nagpalabas ng Shocos Order ang LTFRB para sa pagdinig sa June 25.
03:20Sinuspindi na rin ang LTFRB ng isang buwan ang sampung units ng Precious Grace.
03:26Itinanggi ng abogado ng kumpanya ng bus na hindi inireport ng driver at konduktor
03:31ang insidente sa mga otoridad.
03:33Kwento ng driver sa isinimintin itong pahayag sa LTO.
03:37May pasahero nagsumbong tungkol sa pangangagat ng isa pang pasahero.
03:41Nireport daw nila ito agad sa mga otoridad sa Main Avenue Station ng Edsa Busway.
03:46Nakiusap daw sila sa Coast Guard na pababain ng lalaki
03:49pero hindi daw ito napababa.
03:51Sinabihan daw sila ng konduktor na i-report na lamang ito
03:54sa susunod na estasyon sakaling gumawa ulit ng eksena.
03:58Nang malapit na raw sila sa Buendia Station,
04:01nangagat daw ulit ito kaya inireport nila ulit ito.
04:04Sabi pa ng driver, pinagsabihan niya
04:06ang mga pasahero na huwag nang bugbugi ng PWD.
04:10Bagay na hindi daw nila sinunod.
04:12To my mind,
04:15iyong driver at saka konduktor,
04:17ginawa nila ang responsibilidad nila.
04:21We have to be educated,
04:24we have to understand
04:25na ganyan-taga yan.
04:27Hindi yan, ano,
04:31nangaaway ng basta-basta na nga.
04:34Pero kailangan nang,
04:36kailangan maintindihan,
04:37kailangan ipaintindi sa mga kababayan natin.
04:41Tutulungan daw ng DOTR,
04:43ang PWD at ang pamilya nito.
04:45Para sa GMA Integrated News,
04:47Joseph Morong,
04:48nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended