00:00Viral naman ang matinding pagsabog ng isang whistle bomb sa gitna ng kalsada sa tagig, sakto sa pagdaan ng isang motorsiklo.
00:10Nakakuha po ang GMA Integrated News ng hiwalay na kuha ng CCTV kung saan mas kita sa anggulo ang sinapit ng rider.
00:19Ang lagay niya sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:22Mag-aalauna ng madaling araw ng tayuan ng whistle bomb ang gitna ng isang kalsada sa barangay Hagonoy, Tagig City.
00:33Pagkasindi nito, may mga hinarang pa siyang sasakyan bago lumayo.
00:38At ilang sandali pa matapos umilaw ang whistle bomb,
00:42tiyempong dumaan ang isang motorsiklo.
00:46Sa backtracking ng Tagig Police, natunto ng may-ari at nagsinde ng whistle bomb.
00:52Humingi ito ng paumanhin pero titikitan pa rin sa paglabag sa city ordinance
00:57na naglalaan ang designated firecrackers and fireworks area.
01:025,000 piso ang multa na pwedeng may kasamang kulong na aabot ng 6 na buwan.
01:07Ang rider naman na dumaan,
01:09nabalutan ang usok pero tuloy-tuloy namang nakadaan sa kalsada.
01:14Inikutan na ng Tagig Police ang mga kalapit na ospital pero wala naman daw rider na nagpagamot kaugnay ng pangyayari.
01:21Panawagan ng pulisya, makiisa na lang sa community firecracker and fireworks display
01:27imbis na magkanya-kanyang paputok.
01:30Gawin niyan sa mga itinalagang lugar ng lokal na pamahalaan.
01:33Tuloy din ang pagbabantay ng pulisya sa mga iligal na paputok.
01:36Based po sa ating monitoring is meron po tayo.
01:40Itong insidente kung saan po may mga nahuli na tayo at mga na-confiscate po na mga iligal na paputok.
01:46Para sa GMA Integrated News,
01:49Mark Salazar,
01:50Nakatutok 24 Oras.
01:53HRO
01:53HRO
01:54HRO
01:57HRO
01:57HRO
01:58HRO
01:58HRO
Comments