00:00Habang buhay ng hindi-issuehan ng driver's license,
00:04ang bus driver nasangkot sa karambola sa SETEX na ikinasawi ng sampung tao.
00:09Required na rin ang pagpapadrug test ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan kada tatlong buwan.
00:17Nakatutok si Joseph Moore.
00:22Binawi ng Land Transportation Office o LTO ang driver's license ng driver
00:26ng Pangasinan Solid North Bus na sumalpok sa tatlong sasakyan sa SETEX na ikinasawi ng sampung tao.
00:33Habang buhay na siyang hindi makakakuha ng lisensya.
00:36Kasunod yan na nung una ipagtanggi niya sa drug test.
00:39Hindi ka pwedeng hindi pumayag, nakapatay ka ng sampung tao, hindi ka papayag magpapadrug test. Pwede ba yun?
00:45Pina-drug test pa rin naman siya at nag-negatibo naman.
00:48Pinapadrug test na rin ang mga driver at konduktor ng Pangasinan Solid North.
00:52At dahil suspendido lahat ng dalawang daang bus ng kumpanya, binigyan ng special permit ng LTFRB
00:58ang dalawang daang bus ng ibang bus company na panorte para saluhin ang mga pasehero lalo ngayong eleksyon.
01:06Sasampahan din ng reklamang sibil ang bus company para makasingil ng danios
01:10pukos sa mga babayaran ng insurance ng bus company.
01:13The President told me, we must give these families justice.
01:16Mismong Transportation Department na ang nagsasabi, pakiramdam ng publiko,
01:21hindi na sila ligtas sa ating mga kalsada, bagay na pinasusolusyonan ang Pangulo sa Departamento.
01:28Kaya iniutos na ng DOTR ang mandatory drug test kada tatlong buwan sa mga driver ng lahat
01:34na mga pampublikong susakyan kasama na ang mga motorsiklo.
01:38Magpaparandom drug test din sa mga bus at truck ngayong linggo.
01:41Even roadside to, mga trucks, truck stops, not only terminals but sa mga truck and bus stops along the way.
01:49Iniutos ng Pangulo na pag-aralang gawing apat na oras lamang ang biyahe ng mga bus driver mula anim
01:54na agad na rin ipatutupad ng DOTR.
01:58Pinahihigpitan din ang pagsisuri sa mga pampublikong susakyan, training at eksaminasyon ng mga driver.
02:04Kayon din ang pagbabatupad sa speed limiter law na naglilimitan ang maximum na takbo
02:08ng mga pampublikong susakyan, closed van, hauler or cargo trailer, shuttle service at mga truck.
02:15Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments