00:00Lagda na lang ng Pangulo ang kulang para ma-isabatas ang panukalang iurong sa susunod na taon ang barangay at SK elections na dapat ay sa Desembre.
00:10Nagsisihara man ang Senado at Kamara sa kung bakit hindi na-isabatas ang panukalang dagdag sahod.
00:16Saksi si Maki Pulido.
00:21Paasa ang turing ng mga labor groups sa sinapit ng panukalang umento sa sahod.
00:27Kahit kasi pumasa ang magkaibang versyon ng Senado at Kamara sa kanika nilang plenaryo, hindi ito na pag-isa sa pagsasara ng 19th Congress kahapon.
00:35Grabe ho ang nararamdaman naming galit. Dinidribble lang ng Senado at saka ng Congress yung legislative wage increase.
00:44Parang nagamit na kami sa eleksyon eh.
00:47Nagkaturuan kung sino ang may sala.
00:49Sabi ng Senado kahapon, kasalanan ng Kamara dahil gipit na sa oras na ipasa sa kanila ang panukalang batas.
00:55Ayon sa Kamara, ang gusto ng Senado ay tanggapin lang ang versyon nito na 100 pesos na dagdag sahod.
01:02Handa rin a nila ang Kamara na sumalang sa bicameral conference para pag-isahin ang kanika nilang versyon.
01:09Let's not sugarcoat it. The Senate killed the 200 peso wage hike bill.
01:14200 pesos man o 100 pesos ang legislated wage hike, tutol ang economic managers.
01:20Dahil dagdag gasos a nila sa produksyon na magpapamahal ng bilihin.
01:23Sabi ng KMU, sa halip na ipatong ang cost of production sa umento ng sahod,
01:28ibawas dapat ito sa kita ng malalaking kumpanya.
01:32Ang maliliit namang mga negosyo dapat alalayan ang gobyerno tulad ng pag-alalay nila sa mga foreign investor.
01:38Aware kami na dapat hindi siya matranslate sa inflation.
01:42So paano yun gagawin?
01:44Dapat ang binabawasan yung tubo ng kumpanya.
01:47Binabaliktad nila ang argumento.
01:481989 pa, huling nagkaroon ng legislated wage hike sa pamamagitan ng RA 6727.
01:55Dahil din sa batas na yan, nabuo ang mga regional wage board.
01:59Ang gusto ng economic managers,
02:00hayaan ang mga regional wage board na magtakda ng minimum wage depende sa regyon.
02:05Mas muraan nilang mamuhay sa probinsya,
02:08kaya tama lang na mas mababa ang sahod doon.
02:10Pero sabi ni Arian na nagtapos ng kursong maritime and tourism at ngayoy isang construction worker,
02:17sobrang baba naman ng sahod nila sa probinsya.
02:20Mahirap din po yung buhay sa probinsya.
02:23Maliit lang po yung sahod kasi provincial rate.
02:26Minsan po, mahal po yung mga bigas, bilhin po.
02:30Tapos maliit lang po yung sahod.
02:32Sa gitna niyan, ilan sa mga prioridad na panukalang batas ng LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council
02:39ang lumusot sa BICAM at niratipika na ng Senado at Kamara ang BICAM Report.
02:45Ibig sabihin, maaaring may isa batas kung pipirmahan ng Pangulo.
02:49Pero kahit walang pirma, magiging batas sa mga ito kapag lumipas ang 30 araw na walang aksyon mula sa Pangulo.
02:55Kabilang dito ang Virology Institute of the Philippines o VIP Act,
02:59E-Governance Act, Konektadong Pinoy Act o yung nagbabalangkas para mapalawak ang internet access sa bansa,
03:06pati ang panukalang batas na nagluluwag ng pagpapaupa ng mga pribadong lupain sa foreign investors.
03:12Niratipika na rin ang Kongreso ang BICAM Report na nagpapahaba sa termino ng barangay at sangguniang officials.
03:19Kung may isa batas mula tatlong taon, magiging apat na taon ang kanilang panunungkulan.
03:23Ipagpapaliban din sa November 2026 ang dapat sana'y barangay at sanggunian elections sa December 2025.
03:31Kung sakali, sabi ng Comelec, mas makakatutok sila sa Barm Parliamentary Elections na nakatakda sa Oktubre.
03:38May mga tagamitan na hindi kami dapat bumili muna o i-procure dahil baka po kasi ito masira,
03:44patulad na limbawa ng Indelible Inc.
03:45Kung ito'y maririsat talaga sa November, marapat din po siguro na ito ay amin po i-reset upang mas pahabain natin ang magiging registration.
03:54Niratipika na rin ang Senado ang BICAM Report para sa panukalang batas na nagbabalangka sa paggamit ng nuclear energy
04:01at nagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o FILATOM,
04:07pati ang Arrow Act o yung nagre-reforma sa Right of Way Act.
04:10Para sa GMA Integrated News, ako si Mackie Pulido, ang inyong saksi.
04:16Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:19Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:23Música
04:34Música
04:34Música
04:35Música
Comments