00:00Bayan, bago tayo tumungo sa ating talakayaan, humingi muna tayo ng updates sa Department of Justice.
00:05Kasama natin ngayon sa Yusek Marge.
00:08Yusek Marge, good afternoon.
00:10May nalusag po na serya ng training para sa mga prosecutor.
00:13Can you give us more details about this?
00:15Yes, Joshua.
00:16Bilang bahagi ng mandato ng isang bagong Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr.
00:21para palakasin ang criminal justice system,
00:24pinangunahan ng DOJ ang tatlong malawakang training programs na huhubog at magpapalawak sa kaalaman at kakayahan ng mga prosecutors.
00:33Una, ang second comprehensive prosecutor's assimilation o COMPASS training para sa mga bagong piskal.
00:41Pangalawa, ang specialized course on the prosecution of terrorism and terrorism financing cases
00:47at ang specialized course on international humanitarian law.
00:51Nakinabang sa proyektong ito ang mga bagong talagang prosecution attorneys at assistant state prosecutors
00:58na sumasailalim sa masinsinang pagsasanay sa trial advocacy, witness management,
01:04tamang paggawa ng resolusyon, international humanitarian law at marami pang ibang pangako.
01:10Si Justice Secretary Jesus Crispin C. Rimulla na patuloy na magsasagawa ng mga proyektong gaya nito ang DOJ
01:17para masigurong mabibigyan ang bawat Pilipino ng real justice for all.
01:23Tungkol naman po sa pagpapalakas ng kampanya laban sa human trafficking,
01:27ano pa po yung mga hakbang na inilatag ng DOJ tungkol dito?
01:31Joshua, pinungunahan ng DOJ sa pamamagitan ng Interagency Council Against Trafficking o IACAT
01:37ang isang pulong kasama ang mga leader ng bansang Madagascar noong May 30, 2025
01:43sa Justice Hall ng DOJ sa Maynila.
01:46Layon itong pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinas at Madagascar para mas mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs.
01:54Mainit na sinalubang ni IACAT Executive Director Hannah Lizette Manalili ang mga leaders ng Madagascar.
02:01Inalatag ng DOJ ang mga ginagawa ng pamahalaan para labanan ang human trafficking,
02:07kasama na rin ang mahalagang papel na ginagampanan ng National Coordination Center
02:11Against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials.
02:19Muling binigyang diin ng pamahalaan na isa sa mga pangunahing plataforma ng bagong Pilipinas
02:24at ng Real Justice for All ni Justice Secretary Jesus Crispin Boyeng C. Remulia
02:30ay ang tiyakin ng maayos at ligtas ang kalagayan ng ating mga OFWs sa anmang panig ng mundo.
02:39Maraming salamat, Yusek Marge, sa mga ibinahagi mo sa aming update mula sa Department of Justice.
02:44You're welcome, Joshua.