00:00Update sa LRT2 West Extension Project at sa 1 plus 3 Pamilya Pass Program,
00:07ating tatalakayin kasama si Atty. Hernando Cabrera,
00:10ang Administrator ng Light Rail Transit Authority.
00:13Atty. Cabrera, magandang tanghali po.
00:17Good afternoon, Asik.
00:22At tapos, good afternoon sa ating mga viewers, sa ating mga listeners.
00:25Yes, sir. Si Asik Joey po at si Comjun ng BIR.
00:28Sir, tungkol po sa construction ng LRT2 West Extension Project.
00:34Ano po yung pangunahing dahilan kung bakit naantala yung construction nito?
00:40Well, actually, years ago pa po yan na inumpisahan.
00:44Ang problema lang, kinapos tayo ng budget.
00:48Repeatedly, over the years, DOTR, LRTA have been requesting budget for the project.
00:54Kaya lang, natagalan na ito.
00:57Kaya over the years, nag-increase na yung mga cost natin.
01:00Kaya from the original na 10 billion plus na costing natin, naging 17 na sa ngayon.
01:06At in the meantime, ang naging focus sa atin,
01:09ang ginagawa natin based doon sa marching orders that we received from DOTR,
01:14nagko-concentrate kami ngayon doon sa pag-aayos ng ating mga right of way.
01:21So, itong right of way issue na ito, kailangan mo kasing tapusin lang ito.
01:25Dapat maklear mo lahat yung dadaanan ng project para later on, kapag ka-implement po yung project,
01:30wala nang sagabal na mga kawad ng kuryente, yung mga tubo ng tubig na nasa ilalim,
01:37and then of course, yung ating mga informal settlers.
01:40Kasi ito yung mag-delay ng project natin later on.
01:42Kaya sabi ko nga, ito yung current na marching orders sa atin na gawin.
01:48Doon ang focus namin ngayon.
01:50So, closely, we are coordinating with Meralco, with Maynilad, at saka sa LGU,
01:55para maklear natin lahat itong right of way na dadaanan itong project.
02:00So, by the time na makuha natin yung funding or magkaroon tayo ng tamang modality
02:06how to implement the project, clear na lahat yung right of way na kailangan natin.
02:11Attorney Cabrera, nabanggit po ninyo na umakyat na sa P17B ang kabuang gastos para sa proyekto.
02:17Ano-ano po ang mga dahilan na nakaapekto sa pagtaas ng halagang ito mula sa dating P10.12B?
02:25Well, karamihan dito is yung cost ng mga materials na kailangan natin.
02:31And then, malaking bagay din dito yung cost na kailangan natin para sa yung mga informal settlers natin.
02:39So, there's a portion doon sa right of way, yung malapit na doon sa pier.
02:43Kasi, yung project, itong West Extension Project, kasi ang layunin nito is makadagtag tayo ng around 5 extension kilometers.
02:50Kasama rito, tatlong additional station.
02:53Yung Tutuban hanggang doon sa Tutuban Divisoria.
02:58Then, ang dulo nito is doon sa pier.
03:00Pero doon sa pier area, mayroon tayong mga informal settlers doon.
03:04So, kailangan natin i-relocate itong mga ito.
03:06And during the construction process, kailangan natin magkaroon ng setback.
03:10So, doon hindi po siya kailangan doon sa project itself, during the construction, ma-apekto nga sila.
03:16So, kailangan mo rin silang i-relocate.
03:18So, malaking halaga ang kailangan natin para sa relocation ng ating mga informal settlers.
03:23So, ito yung isa sa mga nagpalaki, bukod doon sa natural increase ng mga materials na kailangan natin gagamitin dyan sa project.
03:32Nabanggit nyo, sir, yung pangangailangan na mag-extend ng 5 extension kilometers, dagdag ng 3 stations, at yung relocation po ng informal settlers.
03:43So, anong stage na po tayo in terms of relocating the informal settlers, pati po yung iba pang tatamaan ng construction?
03:55Well, doon sa mga power lines, ongoing yung negotiation namin with Meralko.
04:00So, nasa kanila ngayon yung final na draft na ng memorandum of agreement, kasi kailangan tayo magkaroon ng memorandum of agreement with Meralko kung paano natin i-implement yung paglilipat o pag-aalis ng mga kawad ng kuryente.
04:15Ganon din sa Maynilan, nasa kanila na rin yung final draft ng memorandum of agreement.
04:21At hinihintay na namin na may balik sa amin ito, magkakapirmahan na once na magkapirmahan ito, ipoprosecute na namin yung implementation nito.
04:28And then, on the part naman ng mga informal settlers, we are closely coordinating with the LGU of Manila, kasi nasa Manila ito.
04:36So, we have to work together with the LGU of Manila.
04:40At ang malaking bagay po kasi rito lumalabas na yung relocation natin in-city ang gusto ng ating mga kababayan na apektado.
04:49Meaning, yung relocation dapat gusto nila within City of Manila din.
04:54In the past kasi, off-site yung nangyayari.
04:58Like, in the case of the Cavite Extension Project, may mga informal settlers natin galing ng Paranaque at Las Piñas.
05:07I-relocate natin sila doon sa may General Trias.
05:10But in the case of Line to West Extension Project, ang nagiging modality natin ngayon is in-city
05:16para hindi masyadong malaki yung impact sa ating mga apektadong kababayan.
05:21So, malaking halaga po ang kailangan dito kapag in-city yung gagawin nating relocation.
05:28So, may nakatakda na po bang petsa para sa pagsisimula ng actual na construction?
05:33Kung wala pa po.
05:36Yung actual na construction kasi would depend on the procurement, yung resulta ng procurement natin.
05:44Ang problema naman natin sa procurement, you cannot start the procurement kung hindi kompleto yung budget mo.
05:50Actually, ito yung nag-delay noon pa.
05:53Initially, nagkaroon tayo ng pondo rito at around mga 2 billion.
05:57So, a part of that 2 billion, ginamit natin ito para sa ating consultant kasi kailangan talaga natin ng consultant.
06:04And then, yung remaining portion supposedly kasama na doon sa construction activity.
06:09Kaya lang, doon sa procurement locasy natin, you cannot start any procurement kung hindi kompleto yung pera mo, yung budget mo.
06:15So, yun po yung nag-delay hanggang ngayon.
06:18Kaya nga po, nag-shift tayo ng focus.
06:20Ang focus natin ngayon is doon sa pagtatanggal ng mga nakapara doon sa ating kailangan na right to point.
06:27Attorney, lagi pong sinasabi o direktiba po ng Pangulong Ferdinando R. Marcos Jr. sa DOTR na i-improve yung commuter experience at paigtingin yung interconnectivity ng ating mga public transportation system.
06:45So, gaano po kahalaga ang LRT2 West Extension Project sa pagpapabuti nung nabanggit ko interconnectivity sa Metro Manila, lalo na po doon sa bahagi ng North Harbor?
07:03Number one, we will have interconnectivity sa PNR.
07:07Kasi madadaanan natin yung isang proposed station ng PNR doon sa, I think, sa May Divisoria area or Tutuban area.
07:16Merong isang magiging estasyon ng PNR doon.
07:19So, magkakaroon tayo ng interconnectivity sa area na yun.
07:22And then, ultimately sa dulo.
07:24Kasi yung pinakadulong station natin sa loob mismo ng Pier, doon sa Harbor, kung saan nandun naman yung mga ferry, yung inter-island ferry natin.
07:33So, very, very convenient doon sa mga kababayan natin na bumabiyahe doon using yung ating mga inter-island ferry.
07:40Kasi from there, pwede na silang sumakay ng line 2 all the way na hanggang sa antipolo yan.
07:47And then, along the way, may interconnection tayo sa PNR, may interconnection tayo sa line 1, and then may interconnection tayo sa MRT 3.
07:56So, napakalaking tulong ito doon sa concern natin ng interconnectivity ng ating mga transport facilities.
08:05Sir, kamusta naman po ang feasibility study para naman sa LRT 2 Kogyo Extension?
08:11Kailan po ito matatapos at kailan maaaring simulan?
08:16Well, yung sa feasibility study niya, may nagawa na.
08:21Meron tayong, nakakuha tayo ng grant, actually, a grant from the Government of Korea.
08:26Sila yung gumawa ng feasibility study.
08:29Na-finalize na nila ito.
08:30So, kaya lang, kailangan pa ng some nitty-gritty, kasi masyadong, doon sa findings namin, masyadong general yung naging output niya.
08:39So, kailangan pa natin ng further inputs para doon sa nitty-gritty na kailangan natin para talagang makita natin yung anong kailangan ng project.
08:49So, having said that, matatagalan pa, kasi after that, after natin magawa, may ilagay natin yung mga required inputs pa, dadaan pa ito ng nete.
09:01So, it would take time pa.
09:03But, ang priority talaga natin is yung west extension.
09:06Kasi, kumbaga sa'yo na yung pinaka-ready sa lahat ng mga project natin as far as line 2 is concerned.
09:11Ayan po, nabanggit niyo po na ang pinaka-ready yung LRT2.
09:17Pero, paano naman po yung ibang proyekto po na meron pong expected delays?
09:23So, ano po yung ginagawang hakbang ng LRTA upang mapabilis yung implementasyon naman ng mga susunod na extension projects?
09:32Well, ang isang ongoing extension project natin is sa line 1.
09:38So, natapos na natin itong phase 1 ng Cavite extension.
09:43So, we're now moving doon sa phase 2.
09:45Ito yung phase 2 naman.
09:46Ito yung from Dr. Santos towards sa Pote na ito.
09:50Magkakaroon tayo ng dalawang additional station pa sa Pote at saka yung sa Las Piñas.
09:56So, pina-fast track namin yung pag-acquire ng right of way natin kasi may around mga 30% pa na kailangan na lupa para ma-isakatuparan natin itong phase 2.
10:12So, pina-fast track natin ito.
10:13We're hoping na probably within this month or next month,
10:17ma-resolve natin yung mga certain issues doon sa kailangan natin ng mga right of way para maitayo natin yung Las Piñas Station.
10:26So, ito yung next step natin for the line 1 Cavite extension project.
10:32Sir, hingi na din po kami ng update doon sa 1 plus 3 Pamilya Pass program.
10:38Kamusta po ang pagtangkilik ng mga mananakay sa programang ito?
10:41Well, napakaganda kasi nung in-launch po natin ito, kasama na po natin si Pangulong Marcos noong June 1.
10:51So, for line 2, around kunti lang yung nag-participate or nag-avail kasi lunchtime na halos eh.