Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-Barangay Kagawad, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin


-Lalaking nangingisda, patay matapos makuryente gamit ang isang improvised electric fishing inverter


-2 clashbacker at 4 new clashers, buena manong nagtapatan sa 7th season ng The Clash 2025


-Draft schedule ng impeachment trial ni VP Sara Duterte mula June 11-30, iminungkahi ni Sen. Tolentino


-Impeachment Prosecutor Rep. Gutierrez: Hindi sapat ang oras sa iminungkahing impeachment trial schedule ni Sen. Francis Tolentino


-Defense Team ni VPSD: Hindi dapat gamitin ang impeachment process para mang-harass, patahimikin o tanggalin ang political opponents


-Ginang, patay matapos barilin sa loob ng tindahan sa Brgy. Sabang; gunman, pinaghahanap


-Commuter, sinuntok at hinablutan ng cellphone ng isang lalaki


-17-anyos na lalaki, patay sa pamamaril matapos mapagkamalang target ng mga salarin


-Lalaki, patay matapos saksakin ng kanyang nakaalitan sa birthday celebration; naarestong suspek, aminado sa krimen


-Heart Evangelista, newest houseguest sa bahay ni Kuya


-Metro Manila at ilang karatig-probinsya, isinailalim sa Heavy Rainfall Outlook


-Senador sa Colombia, nananatili sa intensive care matapos barilin habang nasa kampanya


-Full trailer ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre," siksik sa aksyon at visual effects; mga bago at magbabalik na karakter, ipinakilala na rin




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Dead on the spot ang isang kagawad sa Siniloan, Laguna matapos pagbabariliin.
00:16Chris, anong nangyari?
00:20Connie, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng sundansya ng salarin na sakay rin ng motorsiklo.
00:27Batay sa investigasyon, papunta sa isang lumihan ang biktima ng barili ng salarin ng tatlong beses.
00:33Pinagahanap na ang salarin na tumakas matapos ang pamamaril.
00:36Patuloy pa ang investigasyon ng mga pulis sa motibo sa krimen.
00:40Sabi naman ang kapitan ng barangay Labak, wala siyang kilalang kaaway ng biktima.
00:44Walang pahayag ang pamilya ng biktima.
00:48Patay naman ang isang lalaking nangisda sa barangay Anonas sa Ordaneta City dito sa Pangasinan.
00:54Batay sa investigasyon ng pulisya, gumamit ng improvised electric fishing inverter ang biktima.
00:59Posible raw na mali ang pagkakarga nito kaya nakuryente ang lalaki.
01:04Naisugod pa siya sa ospitan ng isang saksi pero idinek na lang dead on arrival.
01:09Ayon sa kanyang mga kaanak, walang kaaway ang biktima.
01:11Wala rin nakikitang foul play ang mga otoridad.
01:15Paalala mga kapuso, labag sa batas ang paggamit ng kuryente sa panguhuli ng isda o lamang dagat.
01:21Maaring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.
01:24At may kaakibat na multa ang mapapatunayang lalabag dito.
01:28It's a new week mga mare at pare.
01:37The Clash is definitely back for its seventh season.
01:41Yan ang powerful at fiery opening number ng 12 Clashbackers at 12 new Clashers ng The Clash 2025.
01:55May special Hall of Fame performance din si na The Clash Masters Julian San Jose at Raver Cruz.
02:01The Clash panel na si na Christian Bautista ay Ayda Las Alas at Lani Misalucha at The Clash 2024 Grand Champion Naya Amby.
02:10Buena manong sumabak sa round one, one-on-one ng kompetisyon, ang dalawang Clashbackers at apat na new Clashers.
02:19Sa huli, ang nanaig na boses at pasok sa top of the Clash, si Clashbacker Arabelle De La Cruz at new Clashers na si na Jason Rafael at Marian Pimenta.
02:29Abangan kung sino pa ang papasok sa top 12 tuwing linggo 7.15pm sa GMA.
02:40Isa pang nagbalangkas sa 1987 Constitution ang nagsabi na kailangang matuloy na agad.
02:49Ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at pwedean niya itong maitawin sa 20th Congress.
02:56May panukalang schedule naman ang isang senador para mapabilis daw ang paglilitis at matapos ito sa kasalukuyang kongreso.
03:04Balitang hatid ni Jonathan Andal.
03:06Ipinanukala sa Senado ang mas pinabilis o expedited impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
03:15na kaya ro tapusin sa loob lang ng labing siyam na araw o mula June 11 hanggang June 30 na huling araw ng 19th Congress.
03:23So, i-constitute ang impeachment court sa June 11, tapos 10 days pa rin yung submission ng answer ng respondent,
03:31tapos mag-reply yung prosecutors June 22, submission trial brief June 23, tapos opening statement na rin sa hapon.
03:42Presentation of evidence on the part of the prosecution, June 24 to 25.
03:49Ang defense ay June 25 to 26.
03:53Kung kinakailangan ng rebuttal, ibigay yung June 27 sa rebuttal AM-PM, prosecution, PM and defense.
04:01June 28, one hour each, oral arguments, defense at saka prosecution.
04:06Pagkatapos sa June 29, mag-meeting kami ng closed door. June 30, render a judgment.
04:12Sabi ni Sen. Francis Tolentino, pwede niya raw itong ipresenta sa Senado.
04:16Pero para daw magawa yan, kailangang mapapayag ang prosecution na imbes na pito, gawin na lang dalawa ang articles of impeachment.
04:23Yung dalawa, doable na yun.
04:26Piliin na lang nila yung saktigin nila ay meron silang sapat na evidensya.
04:31Sa gano'n, paraan ay talaga mapapabilis ito.
04:34Sinusubukan pa namin kunin ng komento rito ng mga kongresistang miyembro ng prosecution, pero wala pa silang tugon sa ngayon.
04:40Paliwanag nito, Tolentino, iminumungkahi niyang pabilisin ang trial dahil hindi anya ito pwedeng tumawid sa 20th Congress.
04:47Show me a provision in the Constitution, 1987 Constitution, that would point to the words carry over. Wala.
04:58Naging basihan niya ang salitang forthwith sa Constitution.
05:01Yung salitang forthwith ay command na naka-attach sa 19th Congress.
05:08Hindi po yung constitutional command sa 20th Congress.
05:12Iba ang pananaw rito ni Sen. Sherwin Gatchalian.
05:15Hindi ito matatapos ng isang buwan lang. Talagang tatawid ito ng 20th Congress.
05:20Sa Facebook, nagpost si Retired Justice Adolfo Azcuna na kasama siya sa framers ng 1987 Constitution.
05:27Sabi niya siya ang sumulat ng salitang forthwith na ang ibig sabihin anya agad-agad.
05:33May tuturing daw na matinding paglabag sa saligang batas kung ibabasura ng Senado ang Articles of Impeachment at hindi magtutuloy sa trial.
05:40Pero pwede raw itong baligta rin ng Korte Suprema o Senado ng susunod na Kongreso sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.
05:47Sabi rin ni Azcuna, pwedeng tumawid sa susunod na Kongreso ang impeachment proceedings.
05:52Dahil hindi naman daw ito legislative power ng Senado, kundi constituent power.
05:58Umaasa si Azcuna na susundin ng mga senador ang mandato ng Constitution na ituloy na ang impeachment trial.
06:04Mabibigyan din daw nito ng due process at pagkakataod si Vice President Sara Duterte na ipagtanggol ang kanyang sarili.
06:10Paano kala naman ang isa sa mga prosekusyon na si Manili Rep. Joel Chua?
06:14Sana present sa kanilang presentasyon sa miyerkulay sa mga bagong halal na senador
06:18para raw makapaganda ang mga ito kapag naging senator judge na sa susunod na Kongreso.
06:22Babala naman ang mga mambabatas kapag hindi natuloy ang impeachment trial.
06:26Kung maging malabnaw o lumabo ang impeachment proceedings, ilalabnaw lahat yan.
06:31At mahihina yung tinatawag natin check and balance.
06:36I'm afraid that there's going to be an erosion of public trust in the Senate as an institution.
06:44Marami pong aalma dyan.
06:47Marami pong mawawalan ng, if I may say, respeto sa Senado.
06:53Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:56Para kay impeachment prosecutor at one-rider party's representative, Roj Gutierrez,
07:02hindi sapat ang iminungkahing panahon ni Sen. Francis Tolentino para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
07:09Ayon kay Gutierrez, ulang pa ang dalawang araw na inilaan ni Tolentino
07:12para sa presentation ng pitong articles of impeachment laban sa BICE.
07:16Hindi raw sila papayag na gawin na lang dalawa ang articles of impeachment para lang sumapat ang oras.
07:22Kung hindi naman matatapos sa kasalukuyang kongreso ang impeachment trial,
07:26naninindigan si Gutierrez na pwede itong tumawid sa 20th Congress.
07:30Sa ngayon, tuloy-tuloy raw ang paghahanda ng House Prosecution Team sa presentasyon ng articles of impeachment sa Merkoles, June 11.
07:37Iginiit naman ang defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi dapat gamitin ang impeachment process
08:02para mangharas, patahimikin o tanggalin ang political opponents.
08:07Sa pahayag na inilabas ngayong umaga, isang constitutional mechanism ang impeachment at hindi isang political tool.
08:15Nanindigan din sila na ang pagdinig sa impeachment laban sa Vice Presidente ay may serious constitutional infirmities.
08:23Handaro silang harapin ang mga ipinupukol sa Vice Presidente at ipakita ang baselessness o kawalang proweba ng mga ito.
08:32Sa pool, sa CCTV ang pagdating ng lalaki na kaasul na damit na iyan sa Barangay Sabang sa Baliwag, Bulacan.
08:40Maya-maya, makikita ang lalaki na lumapit sa isang tindahan.
08:44Kunwari ay sinisipat nito ang mga panindah hanggang sa makita niya ang 74 na taong gulang na ginang sa loob ng tindahan.
08:51Ilang beses niyang ikinasa ang hawak na baril bago malapit ang binaril ang ginang.
08:57Nasawi ang biktima.
08:59Blanco pa ang pamilya ng biktima sa motibo sa krimen.
09:01Patuloy ang imistigasyon at paghahanap sa suspect.
09:06Hulikam ang panghahablot ng isang lalaki ng cellphone sa Kaloocan.
09:11Ang biktima, sinong tukpan ang suspect?
09:14Balitang hatid ni Bea Pinlang.
09:16Nagsiselfon habang nag-aabang ng masasakyang jeep sa Quirino Highway, bahagi ng Kaloocan City ang commuter na ito, pasado alas 7 ng umaga noong linggo.
09:28Ang lalaking ito, nagmamasid na pala sa gilid.
09:32Maya-maya, dali-daling nilapitan ng lalaki ang commuter.
09:36Sinuntok niya ito sa muka sabay tangay ng cellphone.
09:39Agad tumakbo patakas ang suspect.
09:42Ang commuter, natumba sa lakas ng suntok sa kanya.
09:46Nang makatayo, tila na tulala pa siya matapos manakawan.
09:50Ang biktim, natakot na siya, hindi niya nahinabol.
09:55Nagsikta siya ng assistance ng kapulisan natin.
09:58Sa follow-up operation, nahuli ang 23-anyos na suspect, malapit sa bahay niya sa barangay 181, Kaloocan.
10:05Naituro, ma'am, agad-agad. Naituro niya kasi identified niya yung tao.
10:10Kung nagpatrol niya doon yung kapulisan natin, kasama yung biktim, nakita nila na pakalat-kalat lang doon yung tao.
10:18Nung kinapka pa siya, nasa possession niya yung ismong cellphone.
10:23Napag-alaman ng pulisya na gawain na umano ng suspect ang pagnanakaw ng mga cellphone.
10:29Parang yun na yun, nagiging sideline niya.
10:32O, ngayon lang na siya nahuli. Saka ngayon lang na may nag-report.
10:37Mahaharap sa reklamong robbery ang suspect na nakakulong sa custodial facility ng Kaloocan City Police.
10:43Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuhanan siya ng pahayag.
10:48Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:53Ito ang GMA Regional TV News.
10:58Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
11:02Nauwi sa trahedya ang panonood ng basketball ng isang binatilyo sa Cebu City.
11:08Cecil, ano nangyari sa kanya?
11:09Rafi, na baril ang biktima matapos sumanong mapagkamalang target ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
11:19Ayon sa mga kaanak ng binatilyo, dumating noong Webes sa Cityo Exoville, Basakpardo,
11:25ang apat na lalaki sakay ng dalawang motosiklo.
11:28Hinahanap nila ang isang nagngangalang umanong ating.
11:31Nagkaroon ng komosyon hanggang sa tumakbo palayo si ating.
11:35Sa parehong direksyon din, tumakbo ang biktima at doon na baril.
11:40Binawian siya ng buhay sa ospital.
11:42Ayon sa kapitan ng Basakpardo, walang masamang rekord ang biktimang 17 anos.
11:47Nahuli naman kalaunan ng mga polis si ating na sangkot umano sa iligal na droga.
11:53Wala siyang pahayag. Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.
11:58Katayang isang lalaki matapos masaksak ng kanyang nakaalitan sa isang birthday celebration sa barangay Tinagakan sa General Santos City.
12:07Ayon sa embestigasyon, pinayuhan na ang biktima na umuwi ng paubos na ang iniinom nilang alak.
12:14Pero bumalik ang biktima at nakaalitan ang ilang bisita.
12:17Ayon sa naarestong sospek, niyakap siya ng biktima at tinulak niya ito sa takot na baka saksakin siya.
12:25Kung matumba ang biktima, doon niya na raw nasaksak ang biktima gamit ng kutsilyo.
12:30Nasawi sa ospital ang biktima dahil sa tinamong suga.
12:34Mahaharap ang sospek sa reklamong murder.
12:36Sinusubukan pangpunan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
12:41Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.
12:47Bigate ng pinakabagong house guest sa bahay ni Kuya.
12:54She's no other than Kapuso, global fashion icon, Heart Evangelista.
12:59Bago sumabak sa tasks, isinare pa ni Heart sa Instagram ang kanyang house guest look while posing sa iconic PBB door.
13:07Ano kaya ang magiging mission ni Heart sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition?
13:11Abangan niya ang tuwing weekdays at 10pm at 6.15pm tuwing Saturdays sa GMA Kapuso Stream at GMA Pinoy TV.
13:22Pinaalerto muli ng pag-asa ang ilang bahagi ng bansa mula sa bantan ng malalakas na ulan ngayon pong lunes.
13:34Apektado ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental, Mindoro, Palawan at Antique base sa heavy rainfall outlook
13:44na magtatagal hanggang alas 5 mamayang hapuan.
13:48Pinag-iingat po yung mga residente sa Bajao Landslide.
13:52Ayon sa pag-asa, uulanin ang mga nasabing lugar dahil sa hanging habagat.
14:03Agad-agad na isinakay ng mga lalakingan ng isang tao sa ambulansya sa Bogota, Colombia.
14:09Angka din na isinakay ang senador na si Miguel Uribe na binaril habang nasa kampanya sa isang parkeroon.
14:14Binaril ang senador sa likod. Ayon sa asawa ni Uribe, nagsagawa na ng pawan ng operasyon o surgery sa senador
14:21at nananatili sa intensive care.
14:24Mariing kinundinan ng partidong kinabibilangan niya ang insidente.
14:28Ipinag-utos naman agad ng gobyerno ang malalimang investigasyon sa nangyaring pamamari.
14:32Siksik sa aksyon at visual effects ang ipinasilip na full trailer ng Encantaria Chronicles Sangre.
14:48Ipinakilala na rin ang mga bago at magbabalik na karakter sa telepantasya.
14:53Ang latest hadid ni Nelson Canlas.
14:58Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip ang mga kaabang-abang na eksena
15:03sa pinakamalaking telepantasya sa GMA Prime, ang Encantaria Chronicles Sangre.
15:10Maghihiganti ako sa kanilang lahat.
15:13Bawa sa akin ko ang buong Encantaria.
15:17Sa pag-usbong ng bagong panganib, darating ang mga bagong tagapagliktas.
15:22Sa i-abisala sa mga bagong tagapangalaga ng brilyante
15:26na formal nang ipinakilala sa Mediacon.
15:30Ang apat na sangre, si na Bianca O'Malley o Tera,
15:34Faith na Silva o Flamara, Angel Guardian o Deya,
15:38at Kelvin Miranda o Adamus.
15:41Bago ang Mediacon, nakapanayam ng GMA Integrated News ang apat na sangre.
15:46I-planex ng apat ang kanilang pool costumes
15:50at mga pinagdaanan habang sinushoot ang kapuso telepantasya.
15:55Aminado si Faith, nasa sangre na challenge ang kanyang kakayahan sa pagganap.
16:00Hindi ako bihasa pagdating sa pakikipaglaban.
16:04Ibang klaseng laban siya dahil yung brilyante ng apo yung nasa akin.
16:09So yung fire, yung alab talaga ng pakikipaglaban, yung init, it has to be there.
16:15Nagpapasalamat naman si Angel na nakatulong ang mga naunan niyang project
16:19para maging handa sa pagganap niya sa bagong serye.
16:23Galing akong running man.
16:25So actually nakatulong siya sa pag-prepare ko physically.
16:29Since very physical yung running man, kahit pa paano yung body ko,
16:33na-ready ko for this,
16:36dinagdagan ko na lang din ng konti pang sipag.
16:38Sa loob ng halos dalawang taon, siniguro daw ni Kelvin na nasa tamang mindset siya.
16:44Pagbutihin pa ang pag-arte at magkaroon ng sapat na lakas
16:48para sa mga training para sa fight scenes.
16:51Kailangan mo talaga ng matinding commitment.
16:55Kung mahina yung isip mo, hindi mo talaga siya kakayanan
16:58kasi nakaka-burn out din sa totoo lang.
17:04We're talking about two years.
17:062017, nang unang gumawa si Bianca ng telepantasha
17:11nang gumanap siya sa Mulawin vs Ravena.
17:15Malaki na raw ang pagbabago pagdating sa pagawa ng ganitong genre.
17:19It's harder because dahil tumataas yung standard ng mga tao
17:23at tumatalino yung audience natin.
17:26Our audience are thinking people and they are intelligent people
17:29na hindi ka na lang pwede basta-basta magpalabas ng kahit na ano sa TV ngayon.
17:33Ipinakilala rin doon ang iba pang cast members ng Sangre.
17:38Bahagi rin ng Sangre ang pumanaw na aktor na si Ricky Davao.
17:43Sangre! Sangre!
17:46Binigyan siya ng tribute sa MediaCon.
17:49In remembrance of our beloved Mr. Ricky Davao, who was part of the series.
17:54Dumalo rin doon ang ilang GMA executives
17:58sa pangunguna ni OIC for GMA Entertainment Group, Cheryl Ching-C.
18:06Kinantarin ni Limitless star Julian San Jose
18:09ang theme song ng Sangre.
18:12Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:24For more information, it's not a GMA, it's not a GMA.

Recommended