-Rep. De Lima at Rep. Erice, hiniling sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional at ipawalang-bisa ang unprogrammed appropriations sa 2026 Nat'l Budget/DBM: Dati nang idineklarang legal at constitutional ng Korte Suprema ang pagkakaroon ng unprogrammed appropriations sa Nat'l Budget
-INTERVIEW: REP. EDGAR ERICE, 2ND DISTRICT, CALOOCAN
-Beauty Gonzalez, stress-free and care-free na sinalubong ang bagong taon; isa nang certified yoga teacher/Beauty Gonzalez, bibida sa GMA AFternoon Prime Series na "House of Lies" na mapapanood simula January 19
-Mark Allan Arevalo, sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR kaugnay sa umano'y ghost flood control project sa Malolos, Bulacan/ Mga politiko na naiuugnay sa umano'y ghost flood project ng Wawao Builders, under investigation pa rin ng BIR/BIR: Mga reklamong isinampa laban sa mga Discaya at iba pang contractor, under evaluation pa ng DOJ
-Malacañang sa sinabi ni Sen. Imee Marcos na hanggang Feb. 1 na lang ang ICI: Hindi natin alam saan niya nakuha ang impormasyon na iyan
-Babae, patay sa pamamaril ng Immigration and Customs Enforcement agent
-Jillian Ward at David Licauco, sasabak sa action scenes sa upcoming Kapuso action-drama series na "Never Say Die"
-Hiling na karagdagang report ng Duterte Defense Team mula sa mga ekspertong sumuri sa kondisyon ni FPRRD, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber I
-Board game, binuo para makatulong sa paghahanda para sa sakuna
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: REP. EDGAR ERICE, 2ND DISTRICT, CALOOCAN
-Beauty Gonzalez, stress-free and care-free na sinalubong ang bagong taon; isa nang certified yoga teacher/Beauty Gonzalez, bibida sa GMA AFternoon Prime Series na "House of Lies" na mapapanood simula January 19
-Mark Allan Arevalo, sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR kaugnay sa umano'y ghost flood control project sa Malolos, Bulacan/ Mga politiko na naiuugnay sa umano'y ghost flood project ng Wawao Builders, under investigation pa rin ng BIR/BIR: Mga reklamong isinampa laban sa mga Discaya at iba pang contractor, under evaluation pa ng DOJ
-Malacañang sa sinabi ni Sen. Imee Marcos na hanggang Feb. 1 na lang ang ICI: Hindi natin alam saan niya nakuha ang impormasyon na iyan
-Babae, patay sa pamamaril ng Immigration and Customs Enforcement agent
-Jillian Ward at David Licauco, sasabak sa action scenes sa upcoming Kapuso action-drama series na "Never Say Die"
-Hiling na karagdagang report ng Duterte Defense Team mula sa mga ekspertong sumuri sa kondisyon ni FPRRD, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber I
-Board game, binuo para makatulong sa paghahanda para sa sakuna
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Unprogrammed Appropriations
00:30Unprogrammed Appropriations
01:00Pero dati na raw nakapagpasya ang Korte Suprema na legal ang paglalagay ng Unprogrammed Funds sa National Budget.
01:07Idini-indi nilang malaki ang ibinawa sa pondo nito ngayong taon kumpara noong 2025.
01:12Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang iba pang respondents sa petisyon.
01:16Kaugnay nga po sa paghahain ng petisyon para kwestiyonin ang Unprogrammed Appropriations sa 2026 Budget,
01:24kausapin natin si Caloacan City 2nd District Representative Edgar Irise.
01:28Maganda umag at welcome po sa Balitang Hali.
01:32Good morning, Raffi.
01:33Opo. Ano-anong klaseng Unprogrammed Appropriations po sa 2026 Budget yung kasama sa petisyon?
01:39Lahat po ba?
01:40Lahat, lahat. Siyempre.
01:41Kasi whether it's 1 peso or 100 billion, it's still unconstitutional.
01:48Yun ang contensyon namin.
01:49At may sinayot kaming 5 provisions ng konstitusyon na nagbabawal nito.
01:56At yung una nga, yung Article 7, Section 22 na sinasabi na ang budget, dapat may budget of expenditures at may source of financing.
02:11Yung GAA natin, may budget of expenditures, nakalign items at may source of financing.
02:19Pero itong Unprogrammed Funds, hindi na line item, wala pang definite source of financing.
02:25So, it violates Section 22 of Article 7 of the Constitution.
02:32Opo. Ito po ay dumaan sa komite, dumaan sa BICAM, at binusisi, supposedly, ng ekotibo, pero lumusot pa rin ito.
02:39Na-question na ba ito doon sa mga prosesong yun?
02:42Kaya nga, noon pa lang, sa kamara pa lang, ay tinutulan na namin yung Unprogrammed Appropriations.
02:50Pero talagang pinaglabang pa rin nila, kaya wala na kaming recourse, kundi idulog ito sa Cortes Suprema.
02:59Alam mo, 1989 pa lang, may Unprogrammed Appropriations na sa mga GAA.
03:05Pero maliliit pa lang ito, kaya hindi na kong question.
03:08Noong 2016, nasa 67 billion yata.
03:11Pero noong 2023, 2024, 2025, yung 2023, 800 billion, yung 2024, 700 billion, at noong 2025, 360 billion.
03:26So, ang pinakamasama nito, naggamit na ito sa kalokohan.
03:31In-a-list yung mga pondo doon sa National Expenditures Program, nilagay sa Unprogrammed Ponds.
03:38At pinalitan ito, yung flood control programs at mga streetlights, malalaki ang kickback.
03:47Yun ang ipinalit doon sa mga programa na talaga namang pinag-aralan na lang matagal.
03:52Kabilang dito, yung pagpapondo sa equity ng Philippine government sa mga foreign assistance at flagship programs sa matagal na pinag-aralan.
04:02Dahil dyan, dalawang beses, double whammy ito sa ating mga kababayan.
04:07Una, naubos yung pondo sa mga kalokohang proyekto.
04:12Pangalawa, dahil sa hindi na pondohan yung flagship projects, nadelay yung implementation.
04:19Kaya yung 2028 na subway na dapat na sana parang Hong Kong na tayo sa 2028, makakasakay na tayo sa subway, nadelay.
04:29Magiging 2032 ang completion.
04:32Yung PNR Elevated Railway na dapat matapos ng 2029 sa 2032 na.
04:40Ang masakit nito, dahil sa delay, magbabayan tayo ng mga penalties, mga commitment fees, at bukod dyan, tataas ang presyo ng labor at materials.
04:50At tinataya, ayon sa DOTR, yung 1.3 trillion na project na ito ay tataas ng 20%.
04:57Kaya masasaya niyang 260 billion pesos ng mga Pilipino.
05:03E sabi po ng DBM progresman, dati na rin po napagpasya ng Korte Suprema na legal yung paglalagay po ng unprogrammed funds sa national budget.
05:13Ano pong reaksyon nyo dito?
05:15Yung lumakas yung loob namin sa separate opinion, Justice Ramon Paul Hernando,
05:22na sinabi niya sa decision sa Consolidated PhilHealth Petition, sinabi niya na all forms of unprogrammed funds are unconstitucional.
05:34Well, abangan po natin kung ano maging resulta ng inyong petisyon sa Korte Suprema.
05:38Marami salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
05:42Salamat, Raki.
05:43Si Caloacan City 2nd District Representative Edgar Irise.
05:46Happy Thursday mga mares!
05:53Stress-free and carefree na sinalubong ni House of Lights star Beauty Gonzalez ang bagong taon.
06:01Ngayong 2026, quality time with the family ang inunan niya at pinipiling maging masaya sa bawat araw.
06:08Hindi niya rin siyempre pinilampas ang pag-travel sa iba't ibang bansa.
06:12Gaya last year, nagpakadulubhasa sa yoga si Beauty abroad para ma-distress ang kanyang mind and body.
06:20Ngayon, isa na siyang certified yoga teacher.
06:25I went to India in Rishikesh alone for a month.
06:29Alone?
06:30Yeah.
06:30How was the experience?
06:32Good. It was healed.
06:33I do my laundry, I was eating vegetarian for a month, I do yoga three times a day, they teach us meditation.
06:46I enjoyed it and I was healed and I'm a certified yoga teacher now.
06:52Bibida si Beauty sa Afternoon Prime series House of Lies na mapapanood na simula January 19 sa GMA.
07:04Update tayo sa pagsasampan ng reklamo ng Bureau of Internal Revenue laban sa contractor na si Mark Alan Revalo ng Wawao Builders.
07:12May ulat on the spot si Chino Gaston.
07:14Chino?
07:14Rafi nagsampan ng reklamong tax evasion sa Department of Justice ng Bureau of Internal Revenue laban kay Mark Alan Villamor Arevalo,
07:23ang sole proprietor ng Wawao Builders, kaugang isa umano'y ghost flood control project sa Malolos, Bulacan.
07:29Higit 77 milyon pesos daw ang halaga ng proyektong na-award sa Wawao noong January 2024.
07:36Yan nag-ugat ang reklamo dahil nag-file daw ng tax return si Arevalo at nag-claim pa ng deductions at input tax.
07:42Ngayon, wala namang palang proyektong ginawa o fictitious ang sinasabing infrastructure project.
07:4848.9 milyon pesos ang kabuhang halaga ng tax deficiencies niya ayon sa BIR.
07:54Bagamat si Arevalo lang ang nasampahan ngayon, common daw sa mga ghost projects ang ganitong fictitious filing ng tax returns.
08:00Kahit doon sa ibang infrastructure projects na may construction na hindi naman kumpleto o inflated ang cost.
08:09May iba pang under investigation na posibleng masasampahan sa hinaharap.
08:13Under investigation pa rin ng BIR ang mga politikon na iniuugnay sa ghost project ng Wawao Builders.
08:19Hindi pa sila kasama sa reklamong ito dahil dapat may malinaw na batayan ng BIR para masampahan sila ng tax case kung meron man.
08:27Ang mga naunang reklamong hinampahan ng BIR laban sa mga diskaya at iba pang contractor, under evaluation pa rin ng DOJ.
08:35Pag didiyak ng BIR, lahat na nababanggit na personality sa flood control issue, politika man o politiko man o pribadong individual,
08:43ay bahagi ng investigations ng ahensya sa ugnay ng mga tax obligations o violations kung meron man.
08:49Narito po ang pahayag.
08:50He filed a complaint alleging tax deficiency of at least 48 million pesos.
08:59Basically, the basis of the complaint is that he was given a contract to do a flood control project.
09:06He received the money but no flood control project was actually made.
09:10So it's a ghost project.
09:13Samantala Rafi, nagtungo rin sa Korte Suprema si Rep. Laila de Lima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice
09:24para maghain ng petisyon para pigilan o hinihiling nila ang Korte Suprema na pigilan itong pag-insert o pagpapatupad ng unprogrammed fund sa 2026 budget.
09:37Na ating matatandaan itong mga nakaraang mga budget insertions ay yan daw ang pinagmulan o ano ng mga naabusong flood control projects
09:46na sinasangsot nga or subject for investigation kaugnain ng flood control skandal na kinakaharap ng bansa.
09:54Rafi.
09:55Maraming salamat, Chino Gaston.
09:58Susubukan pa namin kunan ng reaksyon si Arevalo.
10:02Hindi rao alam ng palasyo kung saan nagmulang impormasyon ni Senadora Aimee Marcos na mabubuwag na ang Independent Commission for Infrastructure.
10:10Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa kanyang panayam sa Super Radio DCBB, wala pang update kaugnay sa hangganan ng ICI.
10:19Kung totoo man daw ito, manggagaling sa kanila ang impormasyon.
10:23Kahapon, sinabi ng Senadora na hanggang February 1 na lang ang komisyon.
10:27Dagdag ni Castro, hindi pa na pag-uusapan kung magkakaroon ng kapalit sinadating DPWH Sekretary Rogelio Singson at Rosana Fajardo matapos nilang mag-resign sa ICI.
10:38Kahit ganoon, hindi rao nakikita ng palasyo na kumina ang komisyon.
10:45Ang ICI naman po ay meron pa po mga katauhan na siya po nagtatrabaho.
10:51Ang umalis lamang po ay si Sek, dating Sek Babe Singson at saka si ICI Commissioner Fajardo.
10:59Pero patuloy pa rin po yung iba at tumutulong pa rin po sa pag-iimbestiga.
11:08Patay ang isang babae matapos mabaril ng immigration agents sa Minnesota sa Amerika.
11:15Ayon sa local at federal officials, nagkainkwentro ang magkabilang panig sa isang enforcement operation sa Minneapolis.
11:21Sabi ng Department of Homeland Security na maril ang isang officer matapos subukan ng isa umunong violent rioter na banggain ang mga tauhan ng immigration and customs enforcement.
11:32Inalarawan nila yun bilang isang act of domestic terrorism.
11:35Kinukwesyo naman ng mayor ng Minneapolis ang sinabi ng Department of Homeland Security na self-defense ang nangyari.
11:41Kaya raw patunayan ng video na hindi tama ang sinabi ng ahensya.
11:45Nagdulot ng malalaking kilos protesta sa lugar ang insidente.
11:49Kakaibang Jillian Ward at David Likao Korao ang mapapanood sa upcoming kapuso action drama series na Never Say Die.
12:01From sweet at dramatic roles, dapat abangan ang maaksyong mga eksena ng dalawa sa serye.
12:14Si Jillian gaganap na taekwondo artist at sumailaling pa sa ilang buwang martial arts training.
12:20Happy siya na nagagamit na niya rin ang kanyang mga napag-aralan sa firing.
12:25News vlogger naman ng role ni David na mapapasabak din sa bakbakan.
12:30Grateful din siya na naging madali ang warm-up niya with the cast.
13:00Kasi nag-enjoy lang kami.
13:02Noong 2024 po, natry ko na pong mag-firing.
13:05I'm happy na nagagamit ko din po siya sa pagiging artista ko.
13:10The International Criminal Court is now in session.
13:22Rodrigo Roa Duterte.
13:25Ibinasura ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1 ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
13:38na humingi ng karagdagang report mula sa medical expert panel na sumuri sa kondisyon ng dating Pangulo.
13:44Guitang Pre-Trial Chamber 1, naggawa na ng expert panel ang mandato nito ng suriin ang kapasidad ng dating Pangulo
13:50na humarap sa pagliliti sa kasong Crimes Against Humanity para sa extrajudicial killings noong War on Drugs.
13:56Kaya wala na anilang dahilan para magbigay pa ng karagdagang report ang expert panel tungkol sa kondisyon ni Duterte.
14:03Dagdag ng Pre-Trial Chamber 1 judges, sila pa rin ang may kapangyarihang magpasya kung dapat manatiling nakakulong si Duterte.
14:09Kaya hindi na rin daw kailangan ng karagdagang opinion mula sa medical expert panel.
14:14December 19, 2025, nang humingi ng karagdagang report ang Duterte Defense Team mula sa medical expert panel
14:20para suriin ang kasalukuyang kondisyon ng dating Pangulo.
14:25Ang mahinaumanong kondisyon ng dating Pangulo ang idinadahilan ng Defense Team para ipagpaliban
14:29ang confirmation of the charges hearing noong September 2025.
14:32Iba't imang sakuna ang nararanasan sa Pilipinas kada taon, mga pabagyoman, lindol, pati na rin pagputok ng bulkan.
14:45At ang ating kahandaan para riyan, matitest sa isang board game.
14:52Gagamitin ito kapag daw nagkaroon ng pagyanig ng lupa, sunog at bagyo.
14:58Ano yun sa Tagalog?
15:01Pipo.
15:01Sa pag-roll nyo ng dice, malalaman kung gaano kakaready sa panahon ng sakuna.
15:07Yan ang Master of Disaster na board game na dinevelop ng isang NGO.
15:12Bawat card na makukuha may tanong o instructions kaugnay sa disaster preparedness.
15:17Kwento ng isa sa mga developer nito na realize daw ng kanilang grupo na marami ang pwedeng maisalbang buhay.
15:24Kung alam kahit ang mga basic concept ng paghahanda para sa sakuna.
15:28Nagsimula na mabuo ang ideya ng board game matapos ang Bagyong Yolanda noong 2013.
15:35Hanggang ma-launch ito six years later.
15:38O diba, hindi ka lang mag-e-enjoy sa paglalaro, may matututunan ka pa.
15:42Wow!
15:44Ganda niyan ha.
15:45O nga, dapat mapalaganap yan sa mga eskwelahan.
15:47It-
15:48Aww!
15:49How could you take life out?
15:51How could you take life out?
15:51You
Be the first to comment