Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isang Chinese fishing vessel ang namataang sumadsad malapit sa Pag-asa Island nitong weekend.
00:06Hindi masabi ng Armed Forces of the Philippines kung sinadya ito o dahil sa masamang panahon.
00:11May unang balita si Chino Gaston.
00:17Nitong Sabado sa gitna ng masamang panahon, namataan ng mga manging isda sa Pag-asa Island.
00:22Ang fishing vessel na ito na sumadsad sa mga bahura wala pang dalawang kilometro mula silangan ng Pag-asa Island.
00:29Ayon sa Kalayaan Island LGU, low tide noong sumadsad ang barko na sa kanilang pagkakakilala ay bahagi ng Chinese fishing militia.
00:38Dakong alas 5.30 ng hapon, natanggal din daw ang barko ng hatakin ng dalawang kasamahang fishing vessel.
00:59Kasang ano nila ay patras, patras yung kila nila nung nabahurang barko.
01:05Kinumpirma ng Naval Task Force 42 ng AFP ang pagkakasadsad ng barko sa Eastern Rifts ng Pag-asa Island.
01:12Hindi masabi ng AFP kung ang Chinese ship ay sumadsad dahil sa masamang panahon o sadyang isinadsad.
01:18Ang residente na si Larry Hugo ang isa sa mga nagreport tungkol sa Chinese vessel.
01:23Ang picture nito ay kanyang ipinost sa kanyang social media page.
01:27Pangamba niya, baka ginagaya raw ng mga Chino ang sadyang pagkakasadsad ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
01:34Rumisponder rin daw ang PCG sa pag-asa para makumpirma ang ulat mula sa mga residente at kung posibleng tulungan sana ang Chinese ship.
01:43Na-report din po yan ng mga local fisher folks sa authorities.
01:50So eventually may naging actions po ang ating Coast Guard which is nag-deploy po sila ng force versa nila para i-check.
02:00Nag-inspeksyon naman sa Balabak-Balawan si Defense Secretary Gilbert Teodoro para sa planong pagtatayo roon ng Air Base at Naval Station.
02:08Recognized international sea lane dito. So minsan dumadaan talaga dito ang mga Chinese vessels.
02:15At ito, pag hindi na dama or hindi nagkaroon ng presence dito, napakadali na abusuhin ng foreign influence and other inappropriate and illegal activities dito.
02:32Isa ang balabak sa mga lokasyon para sa EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at Amerika kung saan bibigyan ng akses ang mga Amerikano sa mga base militar sa Pilipinas para sa pagsasanay at sa humanitarian and disaster relief effort.
02:50Ang reciprocal access agreement naman sa pagitan ng Japan at Pilipinas, lusot na sa National Diet o Parliament ng Japan.
02:57Sa ilalim ng RAA, papayagan ang pagpapadala ng mga sundalong Japon sa Pilipinas at mga sundalong Pilipino sa Japan para sa Joint Military Drills.
03:07Naunang naaprubahan ng ating Senado noong Disyembre ang RAA na katulad ng VFA o Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Amerika.
03:15Kabilang amang ito sa mga hakbang para protektahan ang ating soberenya sa gitna ng mga banta sa ating teritoryo lalo sa West Philippine Sea.
03:23Sabi ni PCG Commodore at Spokesperson for the West Philippine Sea, J. Tariela, ipagpapatuloy ng mga susunod na administrasyon ang kasalukuyang paninindigan sa paglaban sa ating teritoryo.
03:36Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
03:41Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tungutok sa unang balita.
03:53Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA.
Comments

Recommended