00:00Samantala patuloy ang Department of Information and Communications Technology sa pagsugpo sa fake news at online scam,
00:06kabilang narito ang paikipagugnayan sa mga telco at social media platforms.
00:11Bubuo ang DICT ng permanenting unit sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center para tutukan ito,
00:17kabilang na ang troll farms, illegal gambling at maging cyber attacks sa pamahalaan.
00:22Giyit ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso, kinakailangan na may tututok dito.
00:27Balak din ang CICC na magkaroon ng Joint Task Force kasama ang Philippine National Police,
00:32National Bureau of Investigation at Department of Justice para may koordinasyon sa law enforcement agencies
00:38at masisiguro ang pagkakaroon ng conviction sa mga mahuhuling lalabag dito.
00:44From detection, attribution, apprehension, prosecution, conviction. Yan ang gusto natin ngayon.
00:51Hindi ho talaga tayo mangingime na pag tayo nakakita ng mga ganto mga scams, ganto mga fake news,
00:59ito na ho ang resolve ng DICT at CICC. Hanggang ho mapanagot ho natin itong mga nagkasalang ito.